#13

7.4K 223 22
                                    

  Agad akong napabalikwas ng kinauupuan at tumingin kay binibining Wilah tungkol sa kaniyang sinabi. Ayoko talaga ng nangyayari.

"Ma'am hindi po ba pwede na iba na lang? I mean bago pa lang po ako dito tyaka wala po akong alam sa ganitong mga pangyayari. " pag agap ko.

Napangiti ng matamis si Binibining Wilah. "Tungkol dyan, napag usapan na naming lahat mula sa kataas taasan na ikaw lang ang papasa aa standard." Pagdepensa pa nito.

Mukhang wala talaga siyang balak na pakawalan ako. Pero ano namang alam ko? Simpleng babae lang ako na walang alam kundi mag aral ng mag aral.

"About that, suportado kayo ng school. We hired skilled coaches na magtuturo sayo upang matuto. Iba't ibang schools ang makakalaban niyo. "

"Is that so? " Demetiere smirked.

Gusto kong bangasan itong si Demetiere. Nakakainis. Ewan ko ba pero sa kaniya lang ako napipikon.

"Mauuna na po ako. " Lumakad ako patungo ng pintuan at lumabas.

Hmppp! Siguradong pag iinitan nanaman ako ng kababaihan dito na gustong sumali. Tsk.

Habang lumalakad ako at malalim ang mga iniisip, sa hindi sinasadya ay may nabungo ako at parehas kaming napasalampak sa sahig.

"Ouch! Watch out girl! " Habang pinapagpag niya ang kaniyang uniporme at tumayo sa pagkakasalampak.

"Sorry" paghingi ko sa kaniya ng paumanhin.

" Sorry not sorry girl. You bumped into me and it's kinda irritating. " sinabayan pa niya ito ng irap.

"Ah? " nakatingin lang ako sa kaniya. Sino ba siya?

"Sino ka ba? Kilala mo ba ako!?" Pagtataray pa nito sa akin.

"Hindi. " makatotohanan kong sambit.

"Huh? The hell!? Hindi mo ako kilala? Mygod!? " Namumula na siya sa inis.

Why is she like this?

"Hindi nga. Excuse me mauuna na ako. Sayang kasi oras ko may klase pa ako." Agad akong umalis habang siya'y naghihimutok sa galit.

"Tatandaan ko yang pagmumukha mo!? You'll pay for this urgh!? " Sigaw pa niya habang ako'y naglalakad papalayo.

Pagkatapos ng klase ay agad ako nagtungo sa oval field ng paaralan. Tanghaling tapat at maulap ang panahon. Malakas na hangin na siyang tumatangay sa bawat hibla ng aking mga buhok.

Dito muna ako magpapalipas ng oras habang wala pa kaming klase. Sa totoo lang ayoko nakikipag usap sa mga tao. Hangga't maaari ay iniiwasan ko. Hindi kasi ako komportable.

Habang nag iisip ay pumasok sa aking isipan ang mga pangyayari kanina. Kung isasali ako sa patalinuhan ay ayos lang sa akin. Pero sa labanan ng pagandahan? Wag niyo ako asahan dyan.

At isa pa kasama ko si Demetiere. Ayoko sa lalaking yon. Parang naiinis ako sa kaniya kapag naaalala ko siya.

Yung muntik niyang nakawin ang first kiss ko. Nakakainis. At isa pa yung pag ngisi niya nakakainia ng sobra. Gusto ko burahin yung ngisi niya sa mukha!

"hmm nakakainis ka" nakakuyom ako ng kamao at salubong ang mga kilay.

"Sinong nakakainis? "

Sa sobrang gulat ko ay ang nakakuyom kong palad ay tatama sa iaang mukha ng lalaki ngunit agad niya itong napigilan.

"May balak ka bang pasabugin ang mukha ko? " Nanlaki ang mata ko nokng marealize ko kung sino ang nasa harap ko.

Si Demetiere.

Binawi ko kaagad ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya at tinitigan siya ng masama.

"Bakit ka nandito? " Tanong ko sa kaniya.

"Eh ikaw bakit ka nandito? " pabalang niyalang tanong.

Napataas ako ng kilay. "Sinusundan mo ba ako? " Pagtatanong ko.

Napatawa siya ng sarkastiko. "Baka ikaw ang sumusunod sa akin. " At agad na gumuhit sa kaniyang mga labi ang ngisi.

Inirapan ko nalang siya.

"balakajan! " At umupo sa aking kinauupuan.

"this is my place so find another one. " napalingon ako sa kaniya. Gusto ko siyang tusukin sa mata!

"Ah binili mo? May pangalan mo? Wala diba? So this is not your place. " Pagrereason ko.

He chuckled. "God Athena. You're something. " His deep voice is kinda pretty.

Wait? What?

Erase your thoughts Roze! Bad!

Bahalakajan! Di ako aalis dito.

Habang kami ay nagtatalo ay biglang sumulpot ang isang babae at lumapit kay Demetiere. Sumama ang timpla ng mukha niya ng makita ang babae sa harap nito.

"Dem!! Bakit pinalitan ako!? " Matinis at masakit sa tenga na pagsigaw ng babae.

"Will you please stop bothering me? Hindi ko alam. " His cold voice is icy.

"huh? Talaga ha? Bakit bigla akong napalitan ng hindi ko nalalaman? At transferee pa? " Teka? Sino ba ito?

"I dunno. Ask her. " at tinuro pa ako nito.

"Ah tignan mo nga naman. Hoy! " Pagtawag sa akin nito.

Bwisit ka talaga Demetiere.

"Bakit? Kailangan mo? " Pagkausap ko dito.

Nanlaki ang kaniyang mga mata ng mapagtanto namin kung sino ang isat isa.

"You!? /ikaw? " Sabay naming sambit habang nakaturo sa isat isa.

Ethereal BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon