"Come in" Pagtawag sa akin ni Ms. Mitchi.
I sighed. Binuksan ko ang pinto at nagsimulang lumakad patungo sa harapan. Uh oh. I'm trembling.
Please be calm Roze just this once. This is for your own good.
I face my classmates. They are all staring at me with amusement in their eyes. I feel uncomfortable.
"Can you introduce yourself? Come on don't be shy." Pinapunta ako ni Ms. Mitchi sa harapan.
I start to open my mouth .
"I-I'm Athena Roze Ivonhy. I'm 16 years old." Kumakabog ang puso ko ng sobrang lakas.
Narinig ko naman silang nagbubulong bulungan.
"Pre ang ganda!"
"Omy! Kaano ano niya si Luther?"
"Shocks! She's so pretty!"
"Wow! I doubt kung matalino din siya."
"I think I'm inlove."
"She looks plain. Psh."
Sari-saring reaksyon ang mga naririnig ko sa kanila. May negative pero mas marami ang positive feedbacks about me.
May nagtaas naman ng kamay para siguro magtanong i think?
"Saan ka nag aaral dati?" Tanong ng isa kong kaklase na lalaki. Parang yun din ang gustong itanong nung iba.
"Actually... I'm not from another school. I was home school since when i was young. I'm from Nueva Ecija." Sagot ko na may mahinhin na tono. Karamihan ay nagulat sa sinabi ko. Napapalakas na ang kanilang mga bulong kaya pinatigil na sila ni Ms. Mitchi.
"Enough."
Nagsitahimik naman ang lahat.
"Ms. Ivonhy pumili ka kung saan mo gustong umupo."
Tinignan ko naman ang mga bakante na upuan na mayroon sa loob ng silid. Tatlo lamang ang bakante.
Ang isa ay sa tabi nung isang lalaki kanina sa elevator, ang isa naman ay nasa harapan nung lalaking nasa elevator at isang lalaki na hindi familiar sa akin at ang isang bakante naman ay katabi ng bintana na katabi ni Zero.
I gulp. It's hard to choose. Nakita ko din si Vinah. Classmate pala kami. Tinignan niya ako na parang gusto niya ako makatabi kaso walang bakante eh.
"Go on." Sabi ni Ms. Mitchi.
Naglakad ako at lahat sila ay nakatingin sa akin. Pati ang lalaki sa elevator ay nakatingin sa akin. Ang isang lalaki na hindi naman sa akin familiar ay nakangisi. Ang mga babae ay parang curious kung saan ako uupo dahil puro gwapo nga naman ang makakatabi ko sa mga bakanteng upuan. They are all eyeing on me.
Napili kong maupo sa upuan na malapit sa bintana. Umupo ako doon at hindi ko na pinansin ang samutsaring reaksyon nila. Ang iba ay kung makatingin ay parang naiinggit at ang iba naman ay parang gulat. Bakit? May problema ba?
Nagsimula na ang klase at wala akong kinausap sa kanila kahit na isa. Kahit si Zero ay hindi ko din kinausap. Nagtuloy ang klase at nakatuon lamang ang atensyon ko sa guro at sa board.
Bakit feeling ko may mga nakatitig sa akin?
Ipinagsawalang bahala ko nalang at hindi ko na pinansin iyon.
Natapos ang klase at ang iba ay lumabas na ng kani kanilang silid. May two hours vacant kami. Saan naman ako pupunta? I frowned.
"Ms. Ivonhy?" I looked at him. Si Zero pala.
"Z-Zero." Hanggang ngayon ay hindi pa din ako komportable makipag usap.
"We meet again." He smiled. I smiled back.
"Oo. Hmm." I can't start a conversation. Gosh.
"Are you uncomfortable?" Tanong niya sa akin.
" Oo. Hindi kasi ako sanay makipag usap sa ibang tao." Paliwanag ko naman sa kaniya na may mahinhin na tono.
"Is that so?" His stare makes me uncomfortable. My face is red as tomato.
I nodded.
I heard him chuckled. "You're blushing. Mahiyain pala." Tumingin ako sa kaniya na may halong pagtataka.
"ROZEEEEE!" Tumingin naman ako sa tumawag ng pangalan ko.
"V-Vinah." I'm stuttering.
"Let's go. Come on." She held my wrist. Tumayo na din ako sa upuan.
"Z-Zero mauuna na ako. Thanks." Tumayo siya at lalabas na din ata ng classroom.
"Hmm. See you later." Kinawayan ko siya bago lumabas ng classroom.
Sumama ako kay Vinah papuntang Cafeteria.
"Kilala mo si Zero?" Tanong sa akin ni Vinah.
"Hmm oo. Kahapon kasi siya ang tumulong sa akin nung maliligaw na ako." Paliwanag ko sa kaniya.
Nanlalaki ang kaniyang mga mata sa sinabi ko. Napatakip pa siya ng bibig.
"Weh? Si Zero? Tutulong? Imposible!" Sabay tapik niya sa aking balikat na agad ko namang ikinabigla.
" Huh? Mabait naman siya." Pagtatanggol ko sa kaniya.
"Snob yon! Hmmm... Sabagay kahit sino maaattract sayo." Napahawak siya sa kaniyang baba at tatango tango.
"Huh?" Napatingin ako sa kaniya.
"Hayst wala. Tara na nga." Nasa tapat na pala kami ng Cafeteria kaya hinila niya ulit ang kamay ko papasok.
Nakatingin lahat sa amin. Kaming dalawa ba ang tinitignan o ako lang? Bakit parang kakaiba yung mga tingin nila sa akin?
Napayuko na lamang ako. Naninibago kasi ako eh.
"Puto! Yan yung transferee?"
"Gago ang ganda!"
"Tinamaan ang puso ko pre!"
"Siya yung kapatid ni Luther right?"
"Perfect! Napakaganda!"
"Haynako. O edi siya na maganda."
Napabuntong hininga nalang ako sa kanilang mga sinasabi. Hindi talaga ako sanay na nasa akin ang atensyon. All this time invisible lang ako sa ibang tao. Hangin lang kumbaga.
Bakit ko ba ikinukumpara ang school na ito sa bahay namin eh wala naman akong nakakausap doon? Hmm.
Dumeretso kami kung saan nakaupo si Kara. Pumunta kami doon ni Vinah at naupo.
"Classmate mo si Vinah?" Tanong nito sa akin at tumango naman ako.
"Usap usapan nga yan sa buong Campus!" Sabi naman ni Vinah kay Kara.
"Oo nga at kanina ko pa napapansin. Sabagay nakakaattract naman talaga si Roze. Simple pero maganda." Kinilatis naman ako ng Kara habang nakatingin sa mukha ko.
Nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Hindi ka ba naglalagay ng kolorete sa mukha?" Umiling lang ako sa tanong ni Vinah.
"Lipgloss? Pulbo? Hindi?" Hinawakan pa ni Kara ang mukha ko.
"Hindi." Sumimsim lang ako mg juice.
"Ang unfair. Bakit biniyayaan ka ng mukha na ganyan." Napahawak pa siya sa kaniyang mukha.
"Ganda ng labi mo. Heart shape ang pinkish." Tinitigan naman ni Vinah ang mukha ko.
Kinuha ko ang bag ko at tinakpan ang aking mukha.
"Stop na yan. Kumain na tayo gutom nako kakahintay sa inyo." Kinuha naman ni Kara ang chips sa ibabaw ng lamesa.
Nagpatuloy ang aming kwentuhan sa loob ng 30 mins. habang kumakain. First time ko ito.
First time. ^_^
BINABASA MO ANG
Ethereal Beauty
RandomShe's a girl with a pretty face. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kaniyang mga magulang. Homeschooled siya simula noong bata pa lamang siya dahil mabilis siyang magkasakit. Kahit sino ay mahuhumaling sa kagandahang taglay niya. Plain but extraord...