"HARI"
👑Marivic Cave MiguelSiya'y isang bayani
Sa laba'y siya'y namamayani
Siya ri'y namumukod-tangi
Assist niya'y marami
Kayang pumasa sa kaniyang mga kakampi
Siya'y kumakayod parati
Sa mga kasamahan niya'y siya'y humahalili.Pangalan niya'y LeBron
Hari ng nasyon
Siya may nagkulang sa edukasyon,
Talento niya'y nagsilbing pundasyon
Kaya ngayo'y kay tataas ng kaniyang produksyon.Grupo niya'y nalaglag
Lahat nama'y may naiambag
Saang banda nga ba sila nabulag?
Sa pagkahulog sila'y di nakailag
Sa pagkasawi'y sila'y nabihag
Sila'y di nakasalag
Samahan nila'y di napatatag
Pagiging kampeon nila'y nabasag
Sana'y huwag silang mabuwag.Sumpa'y di naman matatanggal agad
Hindi basta-bastang maililipad
Sa ngayo'y di sila pinalad
Standing nila'y di maunlad
Hanggang sa sila'y tuluyan ng sumayad.Darating ang araw sila rin ang mangingibabaw
Kampeonato'y di lamang hanggang tanaw
Galing nilang lahat ay lilitaw
Lahat ay mapapasigaw
Palakasan ng hiyaw
Tuwa't galak ay mag-uumapaw
Atensyon ng lahat ay mapupukaw
Lahat magiging malinaw
Lahat makikisawsaw
Walang bibitaw
Kay LeBron di ka maliligaw.Sa Lakers at kay LeBron ako'y patuloy na sususporta
Sa kaniya'y ako'y loyal talaga
Siya'y nag-iisa
Walang kapareha
Galing at husay niya'y sobra
Hatid niya'y pag-asa
Sa kaniya'y ako'y may tiwala
Hindi man ngayon sumang-ayon ang tadhana
Hindi man ngayon ang nakatakda
At di man ngayon ang tamang taon at petsa
LeBron Raymone James Sr. ika'y mahiwaga
Walang duda, Ika'y isang tunay na mandirigma
Walang inaatrasang gera
Ika'y kakaiba
Ika'y tinitingala
Sapagkat ikaw "ANG HARI" ng industriya.#TheKing👑
#LABron🏀
#LBJ23❤️
YOU ARE READING
Poem's Compilation🏀
PoesiaTula para sa mga manlalaro Tula para sa mga basketbolero Tula para sa aking mga iniidolo Tula na naggagaling sa aking puso