Monster Beast

1 0 0
                                    

"MONSTER BEAST"
💪Marivic Cave Miguel BasketbolLover

Apelyido niya'y Abueva
Anim na letra
Husay niya'y sobra
Siya'y di lampa
Dala niya'y di sumpa
Kundi biyaya't malakas na enerhiya
Kayang maging bida
At syempre maging kontrabida
Para siyang gumagawa ng isang pelikula
Kung anu-anong ginagawang eksena
Minsa'y parang nagpapaawa
Kadalasa'y nag-aasar ng mga kasama
Mga gawain niya'y nakakatuwa
Mga galawan naman niya'y nakakamangha
Pang-aasar ng mga bashers niya'y walang kuwenta
Sa kaniya'y walang halaga
Siya'y patuloy na umaarangkada
Kahit na mga tirada niya'y nawawala
Siya ma'y nadarapa?
At walang maibuga?
Patuloy parin siyang gagawa ng hiwaga
Wala man siyang mahika?
Siya nama'y nakakagawa ng himala
Kaniyang mga kakayaha'y nakikita ng aking mga mata
Galing niya' di lamang hanggang sa salita
Sa kaniya'y maraming humahanga
Wala siyang kagaya
Siya'y walang kapareha
Dahil siya'y nag-iisa't kakaiba.

"THE BEAST" kaniyang alyas
Kayang gumamit ng dahas
Kaniya ring nirepresenta ang Pilipinas
Sa mga laba'y di umaatras
Kahit sa kaniya'y may pumipintas
Kahit siya ma'y nakaposas
At kahit siya ma'y minamalas
Siya'y tiyak na magpupumiglas
Patuloy niya paring ipapamalas kaniyang lakas
Angas niya'y walang bawas
Siya'y tunay na matikas
Mga galawan niya'y kagilagilalas
Tunay niyang talento'y kaniyang pinapalabas
Walang pinapalampas
Handang humampas ng humampas
Kung lumaban ay wagas
Parang wala ng bukas
Karera niya'y wag sanang magwakas
Kahit kadalasa'y mga tawag nila'y di patas?
Galing niya'y walang kupas
Balang araw mga sakripisyo niya'y magkakaroon ng batas
Lahat magkakatas
Iyong tipong mangangamoy rosas,
Parang naliligo ng gatas,
Magpapakain ng sopas
May kasama pang mga prutas
Pawis niyang tagaktak kaniyang asawa ang magpupunas
Siya sana'y manatiling ligtas
Wala siyang katumbas
Siya'y tunay na maangas.

#TheMonsterBeastMode8😍

Poem's Compilation🏀Where stories live. Discover now