The Klaw

4 0 0
                                    

"THE KLAW"
❤️Marivic Cave Miguel BasketbolLover

Jersey number niya'y dos
Siya'y di padalos-dalos
Palaging handang makipagtuos
Nakikipagsabayan hanggang sa laba'y matapos
Ang bilis niya kung kumikilos.

Sa ring bola'y kaniyang paboritong ihampas
Iyong grabi parang ang lakas
Enerhiya niya'y di nagbabawas
Lahat kaniyang inilalabas
Husay niya'y wagas
Kumbaga walang kupas
Karera niya sana'y di magwakas
Kahit siya'y minamalas
Hindi naman madalas
Siya may madulas?
Subok lang ng subok kahit tirada niya'y matalas
Siya'y tunay na matikas
Estilo ng buhok niya'y parang likas
Walang gulong mababakas
Bola'y mahilig niyang isalampak sa ring na matigas
Iskor at talon niya'y kay taas
Wala na ata akong salitang maibigkas?
Sa kaniya'y wala akong maipintas
Galawan niya'y kagila-gilalas
Sa Toronto Raptors ay siya'y isa sa mga tagapagligtas
Sa mga mata ko siya'y sobrang angas.

Pangalan niya'y KAWHI
Siya di palaaway
Hangad ko'y kaniyang tagumpay
Sa kaniyang mahabang paglalakbay,
Sana siya'y manatiling matibay
Sapagkat siya'y tunay na mahusay
Toronto Raptors kaniyang binibigyang kulay
Grupo niya'y kaniyang binibigyang buhay.

Tawa niya'y kakaiba
Iyong parang nakakahawa
Kumbaga walang kagaya
Dahil siya'y nag-iisa
Ipit palang niya'y astig nang sobra
Pinag-isipan at pinag-igihan talaga
Sana kampeonato'y kanilang makuha
Sa kaniya/kanila ako nakataya
Kahit wala akong pampusta
Basta sa kaniya ako nakamata
Sa kaniya ako'y lubos at labis na napapahanga
Grabi ang kaniyang ginagawa, ipinapakita't ipinapadama
Ako'y umaasa't sa kaniya'y may tiwala.

#KawhiLeonard02❤️
#TheKlaw🏀
#TorontoRaptorsAko💓

Poem's Compilation🏀Where stories live. Discover now