"Boyish"

3 0 0
                                    

"BOYISH"
😏Marivic Cave Miguel BasketbolLover

Galawan niya'y panlalaki
Subalit siya'y tunay na babae
Siya'y palangiti
Di nagkukunwari
Kapani-paniwala kaniyang sinasabi
Brad kabitan mo sana'y manatili
Anumang mangyari?
Huwag kang paaapi
Laban lang hanggang sa huli
Ingat ka palagi
Ako'y iyong kakampi
Ika'y aking binabati,

Nang maligayang kaarawan
Hangad ko'y iyong kabutihan
Iyong kaligtasan
At kaligayahan
Kaligayahang di mapapantayan
Lahat ng iyong pagdadaanan?
Sana'y iyong malagpasan
Lahat ng iyong hinahangad sana'y iyong makamtan
Brad ika'y aking hinahangaan
Galawan mo'y nais kong tularan.

Ika'y aking isang kaibigan,
Kaibigang magandang kakuwentuhan
Kayang sakyan aking kalokohan
Pareho pa tayo ng araw ng kapanganakan.

Edad mo'y labing walo
Debut mo't wala akong regalo
Kundi itong tula ko,
Tula kung di ko alam kong totoo,
Kung saan patungo
Tama kaya ang sinasabi niyo tungkol sa iyo?
Tungkol sa iyong pagkatao
Ingatan mo ang iyong puso
Ika'y manatiling totoo
Tiyak ika'y mananalo
Kumbaga lahat iyong matatamo.

Dati tayo'y di masyadong nag-uusap
Ngunit sa isang iglap?
Text ko'y iyong natanggap
Ika'y di mapagpanggap
Sana'y matupad lahat ng iyong pinapangarap
Sana'y magbunga ang lahat ng iyong paghihirap
Sana'y iyong matikman kung gaano kasarap
Sana'y makarating ka sa ulap
Magkaigan parin sana tayo hanggang sa hnaharap.

Happy 18th Birthday brad
Hiling mo'y sana'y matupad
Iyan ang aking tanging hangad
Ngayon sana'y ngiti mo'y malapad
Ikaw sana'y maging mapalad
Ligaya mo sana'y umabot ng sagad.

#18thBirthdayDebut❤️

Poem's Compilation🏀Where stories live. Discover now