"TORONTO LLAMADO"
😱Marivic Cave Miguel BasketbolLoverLumaban ng may puso
Nang may minimithing matamo
Ginalingan bawat laro
Sa kalaban may respeto
Kahit sila'y medyo dehado,
Sila'y nakarating hanggang dulo
At naiuwi ang kampeonato
Di lamang pakulo,
Di lamang mirakulo
At hindi lamang "chamba" na sinasabi ng ibang tao.Oo di ako/kami solido
Pero suporta namin sa kanila'y buong-buo
Kumbaga kumpleto't puro
Hindi lamang biro-biro
Sila'y naglaro ng seryoso
MapaCourt man ng GSW o sa kanilang teritoryo
Hangad nila'y manalo
Kaya't grabi silang nagtrabaho
Di nagpaagrabyado
Nahanap ang tamang anggulo
Kaya't nakuha nila ang titulo
Napasakamay nila ang ginto
Sila'y nagpakatotoo
Inilabas ang hinahasang talento.Game 1, 3, 4 at 6 ay kanilang napagtagumpayan
Sila'y nahirapan,
Noong sila'y nangunguna na sa laban
Mas tumatag ang kanilang kalooban
Pundasyon nila'y kanilang tinatagan
Lahat ng unos ay kanila ng napagdaanan
Kaya't nakuha nila ang karangalan
Pinasikat nila ang kanilang koponan
Sila na ngayon ang nangunguna sa larangan
Kakayahan nila'y nahasa na nilang tuluyan
Bunga'y kanila ng nakamtan
Sarili nila'y kanila ng napatunayan
Kay aastig ng kanilang mga galawan
Sila'y may kabaitan,
Na kanilang dala-dala sa bawat digmaan
Kayabanga'y di sila makikitaan
Lumaban ng walang tinatapakan
Hinusayan para sa koponan at mga fan,
Na sa kanila'y sumusuporta ng lubusan
Panalo nila'y gumawa ng kasaysayan
TORONTO RAPTORS ay huwaran
Lubos at labis kong hinahangaan
Oo di ako solidong mamamayan
At ako'y proud sa katotohanang iyan
Basta ang alam ko isa akong babaeng panonood ng basketbol ang kinaaadikan
Nakahandang makipag-away para sa mga iniidolong sinusubaybayan!#TorontoRaptors2019Champ🏀
Napanood ko mga laban nila wag nga kayoooo;
TOR vs IND (Game 4)
TOR vs PHI (Game 6)
TOR vs MIL (Game 6)
TOR vs GSW (Game 6)😍

YOU ARE READING
Poem's Compilation🏀
PoetryTula para sa mga manlalaro Tula para sa mga basketbolero Tula para sa aking mga iniidolo Tula na naggagaling sa aking puso