"DEAR PARS A,"
❤️Marivic Cave Miguel BasketbolLoverPangalan mo'y Angela
Sa Tipor ka nakatira
Alam mong mga salita'y sadyang matatalinhaga
Sa ating tatlo'y ikaw ang nagsisilbing konsensiya
Ang palaging nag-aalala
Palaging iniisip ang magiging resulta
Nagtuturo ng tama
Kapag kami'y nagbabalak ng masama?
Ika'y di susuporta
Nais mong kami'y nasa tamang pila
Maglakad sa tamang linya.Kumbaga ikaw ang aming pinuno
Ika'y laging may kumento
Sa mga gawain nami'y may mga payo
Sa iyo'y mayroon kaming respeto
Sa mga paalala mo'y kami'y sumasaludo
Sa mga turo mo'y kami'y natututo
Pasensiya na't matigas aming ulo.Ika'y matalino
Mahilig magbasa ng mga libro
Tingin ay diretso
Paminsan-minsan lang kong lumiko
Kapag kami'y bumubulong sayo
Ika'y iiling ng todo,
Pag masama aming pinaplano
Hayaan mo't darating ang araw na kami'y magtitino
Di na magiging siraulo
Bagkus magiging pasimuno,
Sa mga gawaing tapat at totoo.Pars Angela nais kitang pasalamatan
Sa lahat ng ating pinagdaanan
Kami'y di mo iniwan
Buong tapang at tiyagang sinuportahan
Sa Ranom Iloco Bani Pangasinan nagsimula ang ating samahan
Lalong tumatag ng tayo'y nalagasan
Lahat ng pagsubok ating nalampasan
Sana'y wag na tayong mabawasan
Di kita makakalimutan!#PareMahalMoRawAko?😂🏀❤️
YOU ARE READING
Poem's Compilation🏀
PoesíaTula para sa mga manlalaro Tula para sa mga basketbolero Tula para sa aking mga iniidolo Tula na naggagaling sa aking puso