Dear Castro,

4 0 0
                                    

"DEAR CASTRO,"
❤️Marivic Cave Miguel BasketbolLover

Hanggang kailan ako aasa?
Hanggang kailan magmamakaawa?
Hanggang kailan magmumukhang tanga?
Hanggang kailan ang aking makakaya?
Hanggang kailan nga ba?

Ako'y isa sa iyong mga masugid na tagahanga
Makita ka'y aking hinahangad ng sobra
Ikaw ang bida sa aking mga mata
Aking nakikita ang iyong hiwaga't halaga,
Kailan kaya ang petsa?
Ang araw kung kailan mo ako makikilala,
Kung kailan mo mababasa ang aking mga gawa
Kung kailan mo makikita ang aking mga tula
Kailan nga kaya?
Patuloy akong magtitiyaga
Hanggang paghihirap ko'y magbunga ng maganda
Sa akin ika'y makakaasa
Tagumpay ay sana'y iyong makuha
Sana'y iyong matamasa
Ika'y walang kagaya
Mga galawan mo'y kamangha-mangha
Lubusang kahanga-hanga
Ika'y pinagpala
Sana'y huwag kang mag-iba
Bagkus manatiling "THE BLUR" ng liga
At "BEST POINT GUARD IN ASIA"
Sayo ako'y susuporta
Kahit ikaw ma'y nasa dulo o nangunguna,
Talo man o panalo sa gera,
Ika'y nag-iisa
Sa iyo at sayo ako pupusta.

Jayson Castro William,
Buo mong pangalan
Tiyak marami ang nakakaalam
Ika'y lubusan kong hinahangaan
Sa iba'y wala na akong pakialam
Paghanga ko'y sa iyo nakalaan
Makita ka'y aking inaasam-asam
Sana'y sa hinaharap ay aking makamtan.

Magkaroon ng VG at FS mo'y aking ninanais
Kailan ko kaya makakamit?
Kung anu-ano na ang estilong aking ginagamit
Kailan makakangiti ng matamis
Sabay sabing success!
Tadhana'y kay pait
Sa aki'y ayaw ngumiti ng langit
Pagkamit ng hinahangad ay di mabilis
Kinakailangang magtiis
Kahit minsa'y ako na'y nalalait
Di dahil ako'y pangit
Kundi dahil sa maling tao ako lumalapit
Bakit? Bakit? Bakit?
Ang sakit, sobrang sakit!
Ako na'y nagigipit
Ngunit ayaw kong lumihis
Patuloy na mangungulit
Kahit ako na'y medyo naiinis
Patuloy na ipipilit
Kahit paulit-ulit nang nagmimintis
Hanggang sa aking ninanais ay aking masungkit!

#AvidFanSince2017
#JaysonCastroWilliam17
#TNTKatropaGilasPilipinas7

Poem's Compilation🏀Where stories live. Discover now