"Dear Pars J,"

4 0 0
                                    

"DEAR PARS J,"
❤️Marivic Cave Miguel BasketbolLover

Pangalan mo'y Juliana
Kabaitan mo'y sobra
Ika'y isang mandirigma
Na handang lumaban mag-isa
Palaging nakahanda
Hindi lampa
Di madaling magsawa
At laging masaya
Hatid niya'y biyaya
Postibo kaniyang dala-dala
Aakalain mong walang problema
Sadyang palatawa
Hindi nawawalan ng pag-asa
Ikaw ang alas sa ating barkada
Sa iyo'y kami'y pinagpala
Ika'y kakaiba
Sadyang walang kapareha
Handang makipaggera
Wag lang kaming masaktan at madapa
Gagawin ang lahat sa ngalan ng ating tropa
Di pabaya
Kami'y kaniyang inaalala
Sana'y wag kang mag-iba
Bagkus manatiling positibo ang awra
Ika'y kamangha-mangha
Di lamang salita ng salita
Kayang gumawa ng masama
Kayang tumayo sa sariling paa
At kayang tumitig mata sa mata
Tandaan mo mahal ka namin ni Angela
Ikaw lang sapat na
Manatili ka sanang masigla
Sa likod mo'y kami'y laging susuporta.

Mag-iingat ka parati
Sa piling mo'y para kaming nasa bahaghari
Ika'y palagi naming kakampi
Kalokohan nati'y marami
Sana'y manatili matatamis mong ngiti
Kami'y di mawawala sa iyong tabi
Sana'y pars tayo hanggang sa huli
Ika'y isang magandang binibini
Na di maarte't mapili.

Pars ika'y aking iniidolo
Kay galing mong maglaro,
Nang ating paborito
Basketbol ay nasa ating puso
Magkaiba man tayo ng grupo?
Tayo pari'y magkasundo
Wag ka sanang magbago
Sana'y manatili iyong mabuting pagtrato
Ating pagiging loko-loko?
Ating narasang pagkabigo?
At mga alaalang di na mababago?
Nagpasaya sa araw na tayo'y di ganado
Nagpatatag sa ating pagkatao
at nagpatibay sa ating tatlo
Ika'y walang kapareho
Sa puso ko'y numero-uno
Pars I Love You!

#ParsMahalMoRawAko?😂❤️🏀

Poem's Compilation🏀Where stories live. Discover now