"THE MAN"
😍Marivic Cave Miguel BasketbolLoverSa mga laba'y sila ang pangunahing tauhan
Hero ng kani-kanilang koponan
Gagawin ang lahat upang laba'y kanilang mapagtagumpayan
Kahit na nahihirapan?
Kahit na nahuhusgahan?
Patuloy paring nakikipagbakbakan
Walang inuurungan
Sarili'y papatunayan
Lahat ng pagsubok ay kayang lampasan
Mga sinasabi ng haters ay di pinapatulan
Di pinapakinggan
At hindi pinaniniwalaan
Angking kakayaha'y pinanghahawakan
Walang talunan sa manlalarong lumalaban ng may katapangan
Minsa'y pinanghihinaan ng kalooban,
Maraming pinagdadaanan
Kadalasa'y nasasaktan
Ngunit patuloy paring nakikipagsabayan
Di pumapayag na mapag-iwanan
Nakikipagsabayan hanggang sa katapusan
Hanggang sa sukdulan
At hanggang sa panalo'y kanilang makamtan
Ibinibigay at ipinapakita ang angking talento't kakayahan
Sila ang sandalan para kanilang kopona'y di mapag-iwanan.Kahit parang wala ng pag-asang makaahon?
Tadhana'y di umaayon?Patuloy paring sumusulong
Sa gera'y di umuurong
Dahil sa kanila tiyansa'y umuusbong.Gagawa't gagawa ng aksyon
Lumalaban ng may dedikasyon
Lumalaban ng may patutunguhang direksyon
At lumalaban ng may pinanghahawakang mabibigat na desisyon,Kumbaga ayaw nilang makulong sa kahon,
Maisahan ng ibang kampon.Hindi nakikinig sa mga negatibong bulong
Ginagawa ang lahat upang makatulong
Kamada'y di usad pangong!May mga araw na mga tirada'y walang anting-anting
Walang pumapasok nikatiting
Subalit patuloy paring nagiging magiting.Tunay na matapang
Kopona'y iginagapang
Marami mang hadlang?
Parang handang pumaslang.Di nagpapatibag
Sila'y di duwag
Bigay nila'y liwanag
Sa kanila'y "THE MAN" ang tawag.Kaming mga tagahanga'y sumasaludo
Sa aming puso kayo'y numero uno
Kayo ang aming paborito,
Mga magigiting na basketbolero
Lumalaban kahit na delikado
Kami'y kabado kapag kayo na'y nasa entablado
Masaktan kayo'y di namin gusto
Ngunit ito'y parte ng inyong laro
Kayo ang tunay na gwapo't macho
Aming iniidolo ng lubos at todo.#BasketballPlayer🏀
#DakilangManlalaro❤️
#NagliliyabPusongNagAalab🔥

YOU ARE READING
Poem's Compilation🏀
PoetryTula para sa mga manlalaro Tula para sa mga basketbolero Tula para sa aking mga iniidolo Tula na naggagaling sa aking puso