"KAKLASE"
(G10 ILANG-ILANG)
❤️Dame Damn DunkerAdviser:
President:May iba't-ibang klase
Mayroong mga pabebe
Iba nama'y simple
Wala namang lahing berde
Iyong iba'y mahilig maglagay ng kolorete
Kay raming nagrebelde
At mahilig magpalibre
Mayroon ring ayaw mag-uniporme
Kunti lamang ang responsable
Pangangatawan ng iba'y doble
Walang naganap na pasobre
Sa papel ay pobre
Sa katabi'y nakadepende
Paghumingi'y swabe
Hindi pa namin naranasang bumiyahe.Sa isang Dyip ay magkakatabi
Usapa'y sari-sari
Parang nasa bahaghari
Sobra ang ngiti
Maestra nami'y nakahalili
Sa kaniyang mga sinasabing pasintabi?
Kaming lahat ay nadadali
Mga banat niya'y mabili
Siya'y namumukod-tangi
Biro niya'y marami
Anumang mangyari siya'y aming kakampi
Mga alaalang kasama siya'y mananatili hanggang sa huli.Grade 10 Ilang-Ilang,
Kasalana'y di nabibilang
Maraming matapang at mayabang
Iba nama'y hibang
Sa kasiyaha'y di nagkulang
Kami nga ba'y di magalang?
Pag-uugali ba nami'y magaspang?
Kahit ganoo'y lahat kami'y hahakbang
Marami mang hadlang
Mayroon mang harang
Lahat ay gumapang
Makapasa lamang
Tayo'y magdiwang
Diploma'y alay para sa ating mga magulang.Lahat ng patlang ating napunan
Kumbaga lahat ng tanong ating nasagutan
Lahat ng pagsubok ating napagtagumpayan
Wala tayong inurungan at sinukuan
Sarili nati'y ating napatunayan.Tayong lahat ay magtatapos
Sa lahat ng pasakit tayo'y nakaraos
Pagtatapos nati'y ngayon idaraos
Tiyak luha'y bubuhos.Maraming salamat sa lahat ng alaala
Sa lahat ng karanasang iba sa panlasa
Sana'y huwag kayong mag-iba
Karanasa'y mananatili sa aking memorya.Tayo na'y magkakahiwalay
Isa-isang maglalakbay
Di na makakasama kaibigang karamay
Di na makakaaway matinding kaaway
At di na magkakasamang magpasaway
Tayo'y tunay na mahusay
Grado nati'y itim ang kulay
Iyan ang patunay
Hawak-kamay tungo sa tagumpay.Diploma'y atin ng makukuha
Patunay na sa sekondarya tayo'y nakapasa
Bunga ng paghihirap ay atin ng matatamasa
Nagbunga na ang ating pagtitiyaga
Tayong lahat ang bida
Talo ang kontrabida
Tiyak ating ama't ina'y tunay na maligaya.Magbubukas ang bagong pahina
Tiyak makakabuo ng panibagong barkada
Sa una'y mangangapa
Sana'y walang madapa
Sa hinaharap tayo'y muling magkikita
Ating babalikan mga alaalang masasaya noong tayo'y magkakasama.#MovingUp2019❤️
#Congratulations!🏀
#GalingNatinMen💪
YOU ARE READING
Poem's Compilation🏀
PoetryTula para sa mga manlalaro Tula para sa mga basketbolero Tula para sa aking mga iniidolo Tula na naggagaling sa aking puso