"BASKETBOLERO"
🏀Marivic Cave MiguelTumatakbo't tumitira
Dumidepensa't pumapasa
Natatapilok at nadadapa
Tumatawa't minsa'y naluluha
Gagawin ang lahat upang panalo'y matamasa
Minsa'y bumababa ang kumpiyansa
Subalit sinusubukan paring umarangkada
Mayroong mayabang at salita ng salita
Kumbaga bida-bida
Kay sarap pakainin ng lupa
Mayroong lumuluha
Nawawalan na ng pag-asa
Parang wala ng tiyansang manguna.Mayroong nababangko
Halos walang segundo't minuto kung ilaro
Hanggang tingin nalang sa malayo
Mayroong natatambakan ng todo
Tarantang-taranta hanggang sa matapos ang delubyo
Ngunit lumalaban hanggang dulo
Walang balak sumuko
Tingin ay diretso
Kahit medyo kabado
Gagawin ang lahat upang kampeonato'y matamo
Lahat mapapasigaw at mapapatayo
Larong basketbol ay delikado
Subalit sa larong basketbol ay maraming nagkakagusto
Iyan ang larong aming paborito
Numero uno sa aming puso.Mga manlalaro'y tunay na matapang
Marami mang humarang,
Mayroon mang mga hadlang,
Sa paglalaro'y sila'y nalilibang
Sila'y di nahihibang
Sa pag ensayo'y sila'y di nagkukulang
Mga naaadik sa basketbol ay di nabibilang
Sapatos, Jersey at Bola lang,
Maaari ka ng magdiwang
Puwede ka ng magmayabang
Kayabanga'y wag dapat magaspang
Basketbolero'y karapat-dapat igalang
Wag maging swapang
Dapat maayos na punan ang patlang.Basketbolero ang tunay na guwapo't macho
Wala yan sa itsura nasa talento
Court ang nagsisilbing entablado
Kayo'y karapat-dapat na irespeto
Kayo'y aking lubos na iniidolo
Manalo man o matalo?
Sa inyo'y ako'y bilib at saludo
Wala kayong kapareho
"THE BEST" kayo.#YourTheManMen🤘
#BasketbolLover❤️
#SaludoAkoSaInyoNgBuongPuso🏀

YOU ARE READING
Poem's Compilation🏀
PoetryTula para sa mga manlalaro Tula para sa mga basketbolero Tula para sa aking mga iniidolo Tula na naggagaling sa aking puso