"Basketbolero"

5 0 0
                                    

"BASKETBOLERO"
🏀Marivic Cave Miguel BasketbolLover

Aaminin kong di pa kita napanood
Di ko na alam ang susunod
Sa paglalaro'y di napapagod
Kahit walang sahod
Patuloy paring susugod
Para sa grupo'y kumakayod
Sa mga haters ay di nagpapalunod
Anong numero ang nakasulat sa iyong likod?

Noong una'y ako'y di mo nakilala
Ika'y nagtaka kong ako'y pinsan mo nga ba talaga
Ngayon lamang nagsimula,
Nagsimulang magchat sa isa't isa
Nagsimulang pag-usapan ang mga atleta
Sabi mo ika'y kabilang sa kanila
Ika'y kasali sa liga
Nababangko sa simula
Crossover ay iyong kaya
Matagal na tayong di nagkita
Galing mo nga ba'y sobra?
Ikaw nga ba'y matiyaga?
Isang magiting na mandirigma?
Bola ang nagsisilbing sandata
Ika'y mayroon nga bang ibubuga?
Basketbolero ang tunay na bida
Kahit na nadarapa
Tatayo ng mag-isa
Papatunayang hindi lampa
Laro ma'y masama
Lahat gagawin upang tumama
Hindi magsasawa
Lahat ng hirap ay magbubunga ng maganda.

Ika'y isang manlalaro
Gagawin ang lahat upang manalo
Hindi susuko
Upang maiuwi ang kampeonato
Pinsan sa iyo'y ako'y saludo
Galing mo'y todo
Sa iyo'y kami'y suportado
Sa gawa ko'y JERSEY mo aking premyo
Samahan mo na rin ng pirma mo
Dahil ika'y aking iniidolo
Ika'y isang basketbolero
Basketbolerong mabilis kung tumakbo
Kayang pumasa sa kagrupo
Tingin ay diretso
Di liliko kahit bantay ay agresibo
Ika'y alerto, siguro?😂
Kahit kalaba'y macho't matangkad na tao,
Ganiyan ang tunay na guwapo
Di humihinto!

#Basketbolero🏀

Poem's Compilation🏀Where stories live. Discover now