Rain or Shine?

2 0 0
                                    

"RAIN OR SHINE?"
😍Marivic Cave Miguel BasketbolLover

Kalaba'y lamang na ng isa
Susunod na kabanata'y kaabang-abang talaga
Sa labanang Rain or Shine at Magnolia,
Sa ROS ako tataya
ROS ay nakakamangha
Noong Elims grabi ang kanilang ginawa
Pangalawang puwesto'y kanilang nakuha
Papayag ba silang mawala?
Ngayon pa ba?
Ngayon pa bang malayo-layo na kanilang naitatala
Ngayon pa bang sila na'y umaarangkada
Unti-unting nangunguna
Angking kakayaha'y ipinapakita
Kagalinga'y ipinapadama
Labanang mata sa mata,
Paa sa paa,
Opensa sa opensa
At depensa sa depensa
Paastigan ng mga tirada
Sana'y wag magiba
Ang ipinunla nilang mula sa hirap at tiyaga
Patuloy na lalaban kahit na nadadapa
Di aatras sa gera
Magkulang man ng sandata
Basta may bola
Di mawawalan ng pag-asa
Tira lang ng tira
Basta wag papagisa
Mga tirada'y wag sanang matulog na parang mantika
Basta sa isa't-isa'y may tiwala
Tiyak laba'y kanilang makakaya.

ROS ang pangalan ng kanilang koponan
Kahanga-hanga ang kanilang katapangan
Walang inuurungan
Kayang makipagsabayan
Kahit sa labanang katawan kontra sa katawan
Tulakan sa tulakan
At labanang pisikalan
Na di naman maiiwasan
Di nila iilagan
Harap-harapang makikipagbakbakan
Hindi papahuli sa labanan
Ipapamalas ang kaastigan
Kitang-kita naman sa mga galawan
Walang atrasan
Lalaban hanggang sa katapusan
Sana'y serye ng laban niyo'y inyong mapagtagumpayan
MapaRookies man o beteran?
Parehong hinuhusayan
Buong pusong ginagalingan
Di papayag na mapag-iwanan
Lalaban hanggang sa kaduluduluhan
Hangga't may pag-asa'y nabubuhayan
Kalooba'y tinatatagan
Ipinapakita ang kalakasan
Kahit mga r*fs ay may k*t*ng*h*n,
Laba'y di nila bibitawan

Iyan ang RAIN OR SHINE.

Di sigurado kung anong magiging resulta
Uulan nga ba?
Araw ba'y sisikat para sa kanila?
Tunghayan natin mamaya.

GAME 6 ng SEMIS (3-2)
ROS vs MAGS (7:00PM)

#MakakaisaOMaiisahan?

Poem's Compilation🏀Where stories live. Discover now