"TOR vs GSW"
🏀Marivic Cave Miguel BasketbolLoverLabana'y mas umiigting
Sino kayang mapupuwing?
Ang muling maduduling?
Lahat ng atensyo'y sa kanila nakabaling
Sa sukdula'y sino kaya ang makakarating?
Sinong koponan ang magniningning?
Sa usaping ito'y huwag na nating idamay si "THE KING"👑
Dito'y wala siyang kinalaman ni katiting
Sino kayang makakakamit ng singsing?
Sinong koponan ang sa kampana'y magbabatingting?
Iyong tipong sa sobrang tuwa'y gigiling-giling
Walang makakapagbuking,
Walang may hawak ng anting-anting
Sinong koponan ang matutupad ang hinihiling?
TOR vs GSW sino ang mas magaling?
Sino ang hanggang sa huli'y mananatiling alerto't gising?
Hindi iiling-iling.Parehong may mahuhusay na manlalaro
Lumalaban ng todo
At nakikipagsagupaan ng may puso
Sa dalawang grupo sino kaya ang makakapag-uwi ng kampeonato?
Sino ang tatanghaling numero uno?
Mayroon kayang mapapahinto?
Biglang mapapayuko?
Titulo'y isusuko?
O di kaya nama'y back to back to back ang magiging titulo?
Muling mananaig sa dulo?
Makakamit na naman ang ginto?
Kaabang-abang kung sinong mananalo
Si Kawhi ba na astig ang ipit sa ulo o si Steph na guwapo?
Si Kyle ba na walang sinasanto o si Klay na halos lahat ng tirada'y asintado?
Si Kevin ba na biglang huminto o si Siakam na unti-unting nahahasa ang talento?
Si Draymond ba na mayabang ng husto o si Ibaka na grabi ang nilalaro?
Si Danny ba na nagiging alerto o si Cousins na muling nagiging agresibo?
Si Looney ba nagiging aktibo o si Gasol na paborito na rin ang rainbow country na teritoryo?Lahat nama'y kayang tumakbo
Lahat naman sila'y delikado
At lahat rin sila'y desidido't pursigido
Walang gustong magpatalo
Dalawang grupo'y may sharp shooter na miyembro
Basta ako si Kawhi aking gusto
Sa ngayon siya ang aking paborito
Eh kayo sino ang inyong pambato?Solid "THE KING" fans labas, Ako lang ba ang proud na nakikiRAPTORS lang?😍
#SolidLBJ23👑
#TorontoRaptorsAkoNgayon!❤️
#KawhiLeonardTheKlaw🏀

YOU ARE READING
Poem's Compilation🏀
PoetryTula para sa mga manlalaro Tula para sa mga basketbolero Tula para sa aking mga iniidolo Tula na naggagaling sa aking puso