"Dear Ante,"

12 0 0
                                    

"DEAR ANTE,"
❤️Marivic Cave Miguel

Maligayang kaarawan sa Ante kong huwaran
Hangad ko'y iyong kaligayahan
At magandang kalusugan
Sana'y manatili iyong kalakasan
Kay busilak ng iyong kalooban
Ante wag mo sana kaming kalilimutan
Ika'y lubos at labis naming pinasasalamatan
Manatili sana iyong kabaitan.

Kabutihan mo'y di nabibilang
Sa puso mo'y kami'y may puwang
Ngayon ang araw kong kailan ka isinilang
Kinakailangang ipagdiwang
Edad mo'y muling hahakbang
Ante ika'y tunay matapang
At ganda mo'y maipagmamayabang
Karapat-dapat kang igalang.

Maraming salamat sa lahat ng biyaya
Sa iyo'y kami'y pinagpala
Sana'y wag kang magsawa
Walang duda, Ika'y isang dakila
Marunong kumilala
Ante huwag ka sanang mag-iba
Manatili ka sanang mabuti't maganda
Wala kang kapareha
Ika'y nag-iisa
Tiyaga mo'y sobra
Pagpalain ka sana niya.😇

Ante ko'y atapang na tao
Lumalaban hanggang dulo
Di sumusuko't lumiliko
Tingin ay diretso
Pagsubok ay hinaharap ng buong puso
Ika'y aking iniidolo
Kakayahan mo'y todo
Lahat iyong hinaharap ng may talino
Di namimili ng tao
Mapagpakumbaba't marespeto
Palaging nagpapakatotoo
Minsan lang kong magbiro
Kadalasa'y seryoso
Palaging malaman iyong mga payo
Mayroong mga plano
Na buong pusong trinatrabaho
Magaganda iyong mga turo
Ika'y isang magandang ehemplo
Ikaw ang Ante ko,
Pangalan mo'y Ante Glo❤️

Happy 60th birthday Ante😱 We love you🏀 Wag ka sanang magbago🙏 Godbless you😇

Poem's Compilation🏀Where stories live. Discover now