"Dear Referee,"
🏀Marivic Cave MiguelUnang-una sa lahat,
Nais kong magpasalamat
Sapagkat ika'y isang tapat
At walang pinipiling pangkat
Ikaw ang ugat,
Tunog ng pito mo ang hudyat
Minsa'y mga manlalaro'y sumasabat
Pito mo ang nagsisilbing iyong sibat
Mga mata mo'y dilat na dilat
Kailangang palaging nakamulat
Upang lahat ay iyong masiyasat
Trabaho mo'y tunay na mabigat.Pagiging Referee'y delikado
Kinakailangang tumakbo
Upang makita ang pinaggagawa ng mga manlalaro
Kung mayroon bang nangyayaring negatibo
Habol diyan, habol dito
Kasama mo ang iyong pito
Iyong pinapatunog pag may nanulak o kaya nama'y naniko
Mayroon ring nagmumura't gumagamit ng kamao
Tiyak technical foul sa kanila'y iyong ibabato
Karapat-dapat kang irespeto
Ika'y aking iniidolo
Ika'y isa rin daw dating basketbolero
Mga tawag mo'y swak at sakto
Tingin mo'y di lumiliko
Paniniwala mo'y diretso.Walang liga kung di ka kasama
Ika'y dakila,
Kumbaga ikaw ang may akda
Ikaw ang manunulat ng storya
At ikaw ang dahilan kung bakit walang nadadaya
Ika'y patas at galawan mo'y tama
Walang mangyayaring malalang disgrasiya
Manlalaro'y iyong pinapakalma
Kaya mong ipaliwanag ng maganda,
Kanilang gawaing masasama
Kapag sila pa'y salita ng salita?
Technical iyong ibibigay sa kanila.Mabuhay ang mga referee,
Referee na walang pinipili
Siya'y tagahalili
Pagiging mandaraya'y isinasantabi
Gumagabay hanggang huli
Kayo'y tunay na bayani
Kakayahan niyo'y namumukod-tangi
Manatili sana kayong simple,
Patas at di nabibili
Trabaho niyo'y pang lalake't babae
Anumang mangyari,
Sana'y patuloy kayong maging mabuti
Pagiging tapat niyo'y sana'y manatili.Tapat at patas na referee'y aking iniidolo
Sa trabaho'y ginagamit ang utak at puso
Kay galing niyo mga Binibini't Ginoo."Don't touch me, I'm the Referee🏀"
Salamat po sa Referee, Ang bait ng Referee'ng ito💪
YOU ARE READING
Poem's Compilation🏀
PoetryTula para sa mga manlalaro Tula para sa mga basketbolero Tula para sa aking mga iniidolo Tula na naggagaling sa aking puso