BBR1: Boomerang Love

6.4K 60 16
                                    

Sue's POV:

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagtapak ng mga paa ko sa Pilipinas. More than 3 years din akong nanirahan sa Macau. Sa sandaling nalaman ko iyon, nagmadali ako sa pagdedesisyon na mangibang-bansa upang iwanan ang lahat...iwanan siya. Bakit ako mananatili kung ipinagtutulakan na niya ako paalis?

Pinilig ko ang ulo ko at pinigilan ang mga luhang gustong pumatak. Sa dami nang beses ko siyang iniyakan, siguro nakabuo na ako ng dagat. Pwede nang tawaging Alexander's Deep.

Nagbuntung-hininga ako. Natatawa ako sa sarili ko. Kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Sa tingin ng mga ibang tao, nalagpasan ko na ang lahat. Little did they know, I never dealt any of the pain then. I just buried them in the deepest part of my mind, in that part of my heart that no one could ever reach.

"Welcome to Diosdado Macapagal International Airport. Please remain seated until the plane is parked at the gate. It is a pleasure flying with you."

This is it. I'm finally home. There is something missing. My little midget isn't with me. But it's not yet the time. Not yet.

---

After a little while, nakalabas na ako ng Airport. Sakto naghihintay na ang best friend kong si Ross. Tumatalon-talon ito sa tuwa at naluluha. Nahawa na din ako sa kanya dahil sobra ko talagang na-miss ang babaeng ito.

"Kimberly Sue Yap Chiu!!!! I miss you loca! Grabe!! It's been 3 years! I can't believe hindi ka nagpaalam sa akin! Kaloka ka talaga!" naluluhang sumbat niya sa akin habang niyayakap niya akong mahigpit.

"Hoy Maja Ross Salvador, kung nagpaalam ako sa'yo nun hindi mo naman ako paaalising mag-isa 'no! Kelangan kong gawin yun, alam mo naman. Na-miss din kitang sobra."

Naging emosyonal kaming konti pero ilang sandali lang ay naglolokohan na kami habang papunta kami sa sasakyan niya.

"Kumusta ang flight? Buti hindi ka na-delay. Lakas din kasi ng ulan kanina eh." pangungumusta nito habang nilalagay namin ang mga bagahe ko sa trunk ng kotse nya.

"Oo nga eh. Buti na lang. Dahil for sure, kung na-delay lang ng kahit konting minuto ang flight ko eh tiyak aalis ka na dito't di mo na ako hihintayin." Pangjo-joke ko sa kanya.

"Sinabi mo pa!" Tatawa-tawang sabi nito. "Sexy mo pa rin ah! Parang di ka nangan---"

"Gutom na ako best friend. Pakainin mo naman ako dun sa resto mong pinagmamalaki mo." Putol ko sa sasabihin niya. Nahalata naman siyang ayaw ko pang pag-usapan ang topic na alam kong gustung-gusto na niyang pag-usapan kaya hinayaan na lang niya ako.

"Ay oo naman! Tara? Di ka pa ba pagod niyan?"

"Hindi. Gutom na gutom ako. Kaya pakainin mo na ako."

Pagkasabi ko nun ay tumingin na lang ako sa labas ng window. Umuulan. My kind of weather. Our kind of weather.

"Here we are!" Anunsyo ni Ross pagkaraan ng ilang minuto. Sa may Balibago nakatayo ang restaurant  na sinunod sa pangalan nito: Ross'. Natatandaan niyang pangarap talaga ni Ross na magkaroon ng sariling negosyo.

Una silang naging close ni Ross nung first day of school nila nung College Freshman year nila. They are both taking Business Management sa Holy Angel University. Nagkatabi sila sa first subject nila and their friendship blossomed from there.

"Wow Ross! I'm so happy for you. You are now living your dream!" Masayang sambit ko at inakbayan siya habang naglalakad kami papasok sa entrance ng resto.

"Yes, best friend. I can't believe I made it." She quietly said as she's tapping my hand that's on her shoulders. "Ayun yung table natin. Nagpahanda na ako kanina bago kita sunduin."

They've spent the entire evening catching up with what happened with their lives in the past 3 years.

"So when are you going to Manila to meet your editor? Grabe, this is it best friend! Your dream is finally coming true." Sabi nito habang kumakain sila.

"This coming Wednesday ang appointment ko with him. So, I still have 3 days para makasama kita dito at mabisita na din ang mga ibang friends natin before ako sumabak sa work."

"Him? You never mentioned na lalaki ang editor mo. Hmmm." Tumataas-taas pa ang kilay nito.

"Ay Ross ha! Tigilan mo 'yan." Natatawang komento ko. "Pero I haven't met him personally. We only talked thru phone. Kinakabahan nga ako eh."

"Don't be ano ka ba. Kering-keri mo yan. Wala kang hindi nalalagpasan best friend." Seryosong turan nito.

"Thank you. And thank you sa pagpayag na makitira muna ako sa'yo dito. Are you sure okay lang talaga?"

"Oo naman no! Gustung-gusto ko nga. Marami pa tayong pag-uusapan Sue. At di ka makakatakas sa pagsasabi sa akin ng lahat-lahat."

"I know Ross." maikling sagot ko.

When we got home sa town house nito later that night ay nakatulog na ako agad sa sobrang pagod. My first day went okay. I hope it will still be on the next days that will come.

Ross' POV:

Ever since talaga hindi nagsasabi ng problema ang best friend ko. Kapag hindi na lang niya kaya doon niya sasabihin. MInsan pa nga, tapos na ang problema niya ay doon pa lang niya ipapaalam sa akin.

3 years ago, she just left without explaining to us, to me her reasons. Pinilit ko siyang magsalita pero tikom ang bibig nito. Pero kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Sa pagpipigil na bumulalas sa iyak. She is a strong woman ever since but the night before she left, kitang-kita kong para siyang dam na anumang sandali ay matitibag at raragasa na lang ang lahat lahat ng walang tigil. Pinigilan ko siya. At nagpapigil ito noong una. Pero kinabukasan bigla na lang nabago ang lahat.

Ilang buwan din akong di mapakali nang hindi ito tumatawag sa akin. She's in Macau alone for goodness sake! Good thing, nang makausap ko ito after 4 months ay  nalaman kong nakipagkita ito sa Tita niya. Napanatag kahit konti ang kalooban ko dahil may mag-aalaga dito sa kalagayan nito noon.

Iisa lang ang sinisisi ko sa mga panahong iyon. Ang walanghiyang si Alexander Lim.

*Amethyst here! I know, maikli lang ang chapter. But I'm at work and I just had this urge to start a story here. I hope the readers of Wattpad would appreciate my story. Keep tuned for the next part of the chapter! Thanks! (:

Broken beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon