Sue
"Antagal ko nang di naha-hug baby ko. Pa-hug naman oh. And kiss din." Paglalambing ko sa anak ko. Lately kasi ay naging busy ako sa work and sya naman ay nagse-spend ng time sa daddy niya. Kapag minsan eh nagseselos na nga ako kay Alex eh.
"I miss you mommy!" lambing naman ito sabay yakap at kiss.
"Saan kayo nagpunta ni Daddy mo kanina? I heard kasama mo din sina Ninong Matteo mo ah." tanong ko habang yakap pa din ito. Kasalukuyan kaming nakahiga sa bed niya.
"Opo mommy. And Tito Jake and Tito Enchong. They are so cool! They let me drive the golf cart! It was fun!" Kwento nito at bakas talaga sa mukha nito na nag-enjoy ito. Pero bigla na lang lumungkot ang mukha nito.
"Why baby? What's wrong?"
"Nothing mommy. Sana po makasama ka sa amin ni dad one time."
"We'll see darling." I said quietly then kissed the top of his head. "Anyway, are you excited for your birthday?" pag-iiba ko ng usapan.
"Oh yes!! I am super excited mommy because daddy will be there. Mommy, daddy, and Iago!!!!" he said while kicking the air. Mukha nga talagang excited ang bagets. Seeing him this happy, hindi ko na pinagsisisihang nakilala niya ang ama niya. If only...
After ilang minuto ay nakatulog na din ito. Lumabas ako sa kwarto nya at tumuloy na din sa kwarto ko. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Ean.
"Oh, Ean. Gabi na ah. Napatawag ka?"
"Ah wala naman. Gusto ko lang mangumusta. Nasan si Iago? Tulog na ba?"
"Ah oo. Ayun, nakatulog na. Napagod din sa paglalaro kasama ang daddy at mga tito niya." Sagot ko habang sinusuklayan ko ang buhok ko.
"Hm. Talagang todo ang bonding ng mag-ama ah..." komento nito. Wala akong maisagot doon kaya nagpatulloy ito sa pagsasalita. "Nabigay ko na pala ang invitation kina mommy para sa party ni Iago. Mukhang na-excite sila. Sobra silang nagigiliw sa kanya. Parang totoo lang nilang apo."
"Oo nga eh. Sobra ding nag-enjoy si Iago. Naisip ko bigla, kung sanang buhay sina Mama at Papa siguro sasaya din sila pag nakilala nila si Iago..." malungkot kong sabi. Sana nga talaga kasama ko pa sina Mama at Papa...Hay.
"Oh wag ka nang malungkot diyan. Maraming nagmamahal kay Iago. Pati sa'yo. Lalo na ako." Pinasigla nito ang tinig nito.
"Ayan ka na naman eh. Tumigil ka nga Ean." Saway ko dito. Oo, pag magkasama kami lagi na lang hahanap ng way para bumanat ito.
"Totoo naman eh. Wala akong pakialam kung may Alex sa buhay niyo ni Iago. If you will just give me another chance, I can be a good husband and a father to you and Iago." seryosong turan nito.Napabuntung-hininga ako.
"Napag-usapan na natin ito Ean. Please."
"Okay, okay. Hay. O sige na. Rest ka na. Good night. Sweet dreams." paalam nito.
"Good night." Nakahinga ako nang maluwag at nag-prepare na ding matulog. Tomorrow is another day. It's my rest day so I'm really looking forward to spend it with my son.
Alexander
Unexpectedly ay free day ko ngayon. Buti na lang, more time to spend with my boy. I also look forward to seeing Sue again. O siyempre, ang mission. Seduce Kimberly Sue! :D Kaya may dala na din akong ice cream. Mas gusto nyang pagkain ang dalhin ko noon para sa kanya kesa sa bulaklak at numero uno nyang favorite ay ang ice cream.
Kadating ko sa condo unit nila ay nag-door bell ako. Si Tita Ysa ang nagbukas ng pinto.
"O Alexander! Anong ginagawa mo dito? Wala naman kayong lakad ni Iago di ba?" Gulat na tanong ni Tita pero pinatuloy pa din naman niya ako sa loob.
BINABASA MO ANG
Broken beyond Repair
RomanceSabi nila isang beses ka lang magmamahal talaga. At ang iba ay manifestation lang na kaya mong mabuhay nang wala siya pero sobra pa rin ang kulang. "Minahal ko siya magmula nang hindi ko pa alam kung ano ang kahulugan ng pagmamahal. Kailan niya ako...