BBR26: How long ever after is

3.6K 56 7
                                    

SUE

"I am happy for you best friend!!" sinalubong ako ng yakap ni Ross and we simultaneously exclaimed "Ikakasal ka naaaaa!!" and "Ikakasal na akoooo!"

"Di pa din ako makapaniwala bestyyy. At kayo ha, anong pakulo talaga ang ginawa." nagkakakwentuhan na kaming lahat sa garden kung saan nagpropose si Matteo. The atmosphere is so lively, happy, exulting for the soon to be union of our two dearest friends.

"Edi hindi ka ganito kasaya ngayon." Hirit ni Mel.

"Patingin nga bruhaaaa!" sigaw ni Erich at kinuha ang kamay ni Ross. It's a simple diamond ring, the size is just right, perfect para sa daliri ni Ross.

"Ganda! Kelan kaya yung akin?" himutok ni Mel.

"Mag-boyfriend ka munang matino!" kantiyaw ni Jake from across the lawn.

"Che!" inirapan ito ni Mel na ikinatawa naman nilang lahat.

"O siya, hep hep na kami ni Iago. He needs to go home na. Medyo late na kasi." imporma ko sa kanila. Automatic namang lumapit sa akin si Alex na karga-karga si Iago.

"I will be your ring bearer pretty Ninang, okay?" sabi ni Iago.

"Aba, demanding. Of course baby." sagot ni Ross at hinalikan sa pisngi ang bata.

"Okay. Good night all!" bibong hirit pa ng anak ko.

"Bye buddy!" paalam ng mga friends ko.

"Sige guys. Una na kami." paalam ni Alex.

Pagkapasok namin sa kotse ay nakatulog na din si Iago. Tahimik lang kami ni Alex pagkatapos ay bigla na lang itong nagsalita.

"Grabe, kakasal na ang mga kaibigan natin."

"Oo nga. Finally." tahimik kong komento.

"I'm sorry kanina, hon." mahina nitong sabi. Naka-stop ang sasakyan dahil red light. Lumingon ako sa kanya at nakatitig ito sa akin.

"Wag ka na lang kasing makulit." sabi ko't umiwas ako ng tingin. He held my chin and forced me to look at him. He smiled sadly.

"Sorry na. I love you  hon." sabi nito at kissed me briefly.

"Dali na, green light na." sagot ko na lang.

An awkward silence filled between us. Then nagsalita ulit ito.

"Do you remember when I asked you about your dream marriage proposal?"

Nag-isip ako. Then naalala ko na. It was during our first year when he asked about that kasi nanonood kaming One Tree Hill, the episode was when Nathan was trying to propose to Haley the second time around.

"Oh yes. What did I answer na nga kasi nun?"

"Sabi mo you want it sa isang beach with lots of candles and carnations and peonies. You never said about the ring. Kasi gusto mong ma-figure out ng magpro-propose kung ano para kapag tama, ibig sabihin soul mates talaga kayo."

"Ahhh...Tama. Kinulit mo nga ako to death para sabihin kung anong gusto kong ring eh."

"Eh kasi naman...Do you still want that dream proposal?" tanong nito.

"No. Napaka-childish actually ng mga gusto ko non. O siguro iba na talaga ang pananaw kapag tumatanda na."

"Ano na ngayon ang gusto mo?"

"Actually...wala na akong ganun." tumingin ako sa kanya. "Basta ang taong magpro-propose sa akin, mahal na mahal ko at gusto kong makasama habang buhay, kahit wala nang engrandeng proposal na maganap, masaya na ako."

Broken beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon