Sue
After naming kumain, more like naglinis ng kalat ni Iago dahil natumba ang baso niya sa kakulitan, ay nagtuloy na kami sa biyahe. Iago is super hyper pero wala akong nakikitang bakas ng anumang iritasyon kay Alex. I could see he is so good with his son. Maybe ngayon talaga ay ready na itong maging ama sa anak namin. I sighed. Mukhang napansin ni Alex iyon at napalingon sa akin.
"Are you alright?"
I gave him a small smile and said, "Oo naman. Ang likot lang talaga ng anak mo. Hindi ka ba naiinis?" curious kong tanong.
"Nakakakuliro lang ng utak ang kakulitan pero I enjoy every moment I have with my son." Nakangiting sagot nito.
Nag-smile lang ako at di na nagsalita. I am gonna pretend that we are a perfect, happy family today. Like what I have been dreaming of since the day I fell in love with him.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa Enchanted. Parang nakawala lang sa hawla si Iago nang makita ang mga rides.
"Mommy let's ride that!" tili nito habang tinuturo ang ferris wheel.
"Later baby!" sabi naman ng ama nito at inakay na ang bata sa kung saan-saan.
We spent the whole day trying different rides. Dati, binalak namin ni Alex na pumunta dito. Never kong inisip na matutuloy ang plano na yun kasama na ang anak namin.
---
We're in the Ferris Wheel and knock out na si Iago. It's almost 8pm na din at sobrang napagod ang bata.
"Did you enjoy the day hon?" nakangiting tanong ni Alex na karga-karga si Iago na tulog na tulog na.
"Hon?" nakakunot noo kong sabi.
"Na-miss kong tawagin kang hon, alam mo 'yun? Na-miss kita." seryosong turan nito. Kung makatitig parang nanunuot sa kaloob-looban ko.
"Ah...di ka ba nangangawit?" iniba ko na lang ang usapan. Nadadala ako sa mga pinapakita niya.
"No. Hindi naman siya ganun kabigat." nag-smile lang ito at hinawakan ang kamay ko. It felt good. Suddenly, bumalik sa akin lahat ng mga masasayang moments namin.
"I hope this day won't ever end. Kasi kasama ko ang dalawa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko." tahimik na sabi ni Alex. As a response, I leaned on his shoulder and closed my eyes.
"Me, too." I whispered. Di ko alam kung narinig niya.
Alex
Pauwi na kami. Iago is sleeping soundly sa lap ng mommy niya. I am very happy. Sobra pa sa very. The entire day, di kami nag-away ni Sue. It was like a normal thing for us to do, yung pamamasyal na yun. For a day, I felt we are a real family na talaga. I heard her when she agreed sa sinabi kong sana di na matapos ang araw na ito. Sana talaga...she'll find na in her heart to get back with me.
Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na kami sa condo unit.
"Daddy, sleep here, please?" groge pang sabi ni Iago na naalimpungatan nang nilapag ko siya sa kama nito.
"Hm?" I glanced kay Sue.
"Sige na Alex. Dito ka na matulog. I know sobra ka ding napagod. I'll get you a towel tska titingin na din akong pwede mong maisuot na t-shirt." sabi nito at lumabas ng kwarto. At siyempre di na ako umayaw. Pagkakataon na ito, ba!
"Thanks buddy!" I whispered sa son ko at hinalikan sa noo. Mahimbing na naman itong natutulog.
Lumabas ako sa kwarto at sakto namang pabalik na pala si Sue dala ang towel at isang loose shirt at shorts.

BINABASA MO ANG
Broken beyond Repair
RomanceSabi nila isang beses ka lang magmamahal talaga. At ang iba ay manifestation lang na kaya mong mabuhay nang wala siya pero sobra pa rin ang kulang. "Minahal ko siya magmula nang hindi ko pa alam kung ano ang kahulugan ng pagmamahal. Kailan niya ako...