BBR4: The gorgeous monster and his personal demise

4.1K 49 16
                                    

Alexander's POV:

"Yes, Sue. Why did you leave?"

I was standing for some time na din sa may back entrance ng bahay ni Ross. I know I have no business to be here but I can't help myself but come and see her again. God, how I missed her. Nang iwan niya ako hindi ko alam kung paano ko paparusahan ang sarili ko sa lahat ng kasalanang nagawa ko. I know I've found a treasure pero binalewala ko. I lost sight of things. Napabayaan ko kung ano ang mahalaga sa buhay ko. At naiwala.

"What are you doing here? How did you get inside?" Napabaling ako sa nagsalita. Sobrang galit ni Ross at kung makatingin siya sa akin ay para siyang toreng susugod.

"I am sorry to crash at your small gathering..." umpisa ko pero pinutol agad ni Ross ang sasabihin ko.

"You trespassed!! Get out!"

"Darling, calm down, please?" Alo sa kanya ni Matteo.

"No! He has no right to be here!" pagpipilit pa din ni Ross. I can understand why she's so angry with me pero hanggang kailan?

"Ross, it's okay." Tahimik na sabi ni Sue. Tumingin kaming lahat sa kanya. Nakayuko ito. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya pero kaninang una niya akong makita ay alam kong nagulat siya pagkakita sa akin.

"Can I talk to you?" Diretsa kong tanong sa kanya. I don't know what's happening with me. All I know is that we never had a proper closure. Last night, as I lay awake in my bed, I said to myself that I will do everything just to have her back. I won't let her get away from me ever again.

"There's nothing to talk about Alexander." She said with dead eyes.

"But--"

"Why don't you join us instead? We'll have lunch soon, you could eat with us." And there, she smiled at me. And as if everything went to focus. Why is she like this? Why is she acting like nothing bad happened between the both of us? It's as if she's not affected by it anymore?

"Sue..." umpisa ni Ross. Lahat ng naroon ay nakamasid lang sa amin. Hindi alam kung makikialam sa takbo ng nangyayari.

"Okay! I'll just check kung ready na ang food." sabi ni Melissa.

Nang biglang may nag-ring na phone. It turned out na kay Sue yun.

"Excuse me guys. Tumatawag si Iago." excited na turan nito pero nang mapadako sa akin ang tingin nito, biglang nag-alala ang mata nito. Bakit?

"Hey, who's Iago, Sue?" tanong ni Erich.

"I-- I just have to--" yun lang at umalis na ito't pumasok sa bahay.

"Sino si Iago, Ross?" curious din na tanong ni Enchong.

"Oh right. Di pa pala nasasabi ni Sue. Iago's her son." Sagot ni Ross, looking straight into my eyes na parang naghahamon.

"WHAT? She has a son?!" manghang tanong ni Melissa na kakalabas lang ulit sa garden.

Para akong sinabugan ng bomba sa harapan ko sa narinig kong iyon.

"Is that true Ross?" tanong ni Jake. Di pa rin ako maka-react. How? When? How old is the child? Who is the father? Is she married? Am I too late?

"Why would I lie? Juan (pronounced as Yuan) Iago is Sue's 2-year-old son. She gave birth in Macau. Hindi niya sinama si Iago, patapos pa lang kasi ng school year ng bata. Ewan ko nga kay Sue kung bakit ang agang pinaaral si Iago pero sabi niya para daw nalilibang ang bata kapag nasa work siya." esplika nito. Walang ma-absorb ang utak ko sa mga sinasabi ni Ross.

I looked around sa mga kasama ko. Tila dina-digest pa ng mga ito ang revelation na ito.

"Sorry guys. I really just have to talk to my--" si Sue na kalalabas lang mula sa bahay.

"Son. Is it true?" I asked.

"Yes."

SInagot niya ako ng walang kakurap-kurap.

"I think hindi ko na kayo masasamahang mag-lunch. I have to go." Wala sa sariling paalam ko. How could I accept this revelation?

Ross' POV:

Totoo, Sue has already a son. I have known about this before she left for Macau. It is the reason kung bakit siya nagpakalayo. Bakit hindi? Sa lahat ba naman ng sakit na dinulot ni Alex sa kaibigan kong ito, tama lang siguro na hindi ipaalam ni Sue sa walang hiyang lalaking iyon na may anak na nga ito. Hindi din naman magiging mabuting ama ito sa inaanak ko. I actually flew sa Macau para sa binyag nito. He was such an angel. Though kamukhang-kamukha nito si Alex, di mapagkakailang masaya si Sue nang naipanganak si Iago. Sabi nito, mas magiging madali na ang buhay dahil may dahilan na itong tumuloy pa.

Ako ang unang nakaalam ng pagbubuntis nito. Pero hindi ko pa din talaga alam kung bakit nagpasiya pa rin itong umalis kahit na nakumbinsi ko na siyang mag-stay at nangakong sasamahan ko siya sa pagpapalaki ng baby niya. Na lilipat kami sa Manila at magsisimulang muli. Na hindi kailangang malaman ni Alex ang tungkol sa bata. Pero yun nga, nung araw na dapat eh aalis kami papuntang Manila para sa check up at paghahanap na din ng condo na malilipatan eh hindi ito sumipot. Nagpadala lang siya sa akin ng E-mail. Oo, e-mail talaga para hindi ko agad mabasa at mapigilan siya.

"I am sorry Sue. Nasabi ko na sa kanila." She just looked at me and smiled.

"Okay lang Ross. Balak ko naman na ding sabihin sa kanila. Iago is a wonderful boy para hindi makilala ng mundo. At siyempre gusto ko siyang i-share sa mga taong mahalaga sa akin."

"So, when are we going to meet the young man?" Excited na tanong ni Matteo. Yes, even Matteo doesn't know. Everything about Sue ay hindi ko sinasabi sa kanya. He understandS because he knows how mad I am with his best friend. Though I know sometimes kating-kati na siyang malaman ang  lahat.

"I am not sure yet. He'll be having his summer vacation in a month na. So, meron na akong enough time para maayos ang matitirhan namin sa Manila. In case you still don't know. I am back for a reason, hindi lang dahil gusto ko. Napagdesisyunan ko na kasing mag-base dito sa Philippines kaya naman tinanggap ko na ang offer ng sister company ng magazine ng publishing house na pinagta-trabauhan ko. They need an Assistant Editor-in-Chief so, yun, ni-refer ako ng EIC ko. She knows kasi na if given the chance talaga, babalik ako sa Pilipinas. I want Iago to grow up in the place I call home. So I guess, you'll get tired of my presence na niyan." Sue said just what she had said to me before she came back. And I am so very happy with her decision.

"That's great news best friend! I can't wait to meet your son!" exclaimed Erich.

"If you need any help sa paghahanap ng matitirhan, just let us know, okay?" prisinta ni Enchong.

"Thanks guys..." nangingitiing sagot naman ni Sue.

"And on that cue, lunch is ready guys! Let's celebrate our being with each other once again!" I announced.

I could tell they would want to ask about the father of Iago. But I know hindi pa ready si Sue to tell them who he is.

We had a quiet and yet happy lunch together then Enchong, Jake and Matteo left after because of their golf game. I think it's their way na rin to give us time to bond, us only girls. I am expecting a very emotional and long conversation because Sue told me that Erich and Mel should know na about everything. She thinks she owes them a lot of explaining.

"We'll be going darling. I'll come back later." Paalam ni Matteo then gave me a peck on the lips.

"Thanks for understanding darling." I said and hugged him tight.

"Of course." He answered then kiss me on my forehead then went out of the house.

I sighed and went back to the sala where the girls are.

AN: Revelations coming out bit by bit! Hope you're enjoying! Let me hear your inputs by leaving a comment. It would really help me get motivated and inspired in writing the story. Thanks for reading, guys! ((:

Broken beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon