BBR22: Union of hearts♥

4K 65 13
                                    

Sue:

It had been 5 days since the party and the revelation of truth but no single word came from Alex. I was expecting him to barge into our unit's door a day after Iago's birthday but he didn't appear. Walang paramdam. Ayoko sana siyang tawagin to give him the space he needs but Iago insisted that I should call his dad because he misses him na. And so I have no choice but to try to call him though I never expected him to pick up the phone.And again, Iago is making kulit to call again his daddy because he might answer it now. Andami na ngang tanong nito kung bakit daw di dumadalaw ito, bakit wala silang bicycle day ulit, etc etc. And all I said was his daddy is busy at the moment.

"Hindi pa ba siya sumasagot?" Tanong ni Ross. Hindi pa ito umuuwi sa Pampanga at sinasamahan ako. Hindi ko alam kung anong ine-expect na posible kong gawin dahil sa mga nangyari--mag-suicide o sumugod sa mansion ng mama ni Alex o bigyan ko ng black eye si Shaina. As if I am that war freak.

"Hindi pa. Nakatulog na ba si Iago?" Nakatulugan na rugo ng anak ko ang paghihintay sa pagsagot ng daddy niya. Hindi ko naman ma-explain ang mga nangyayari.

"Oo. After ilang kulit nya sa akin kung kelan nya makikita ang daddy niya, ayun knock out na." Sagot nito at tumabi sa akin sa sofa.

"Salamat Ross. Hindi mo naman kailangang gawin 'to. Kung tutuusin, pwede ka nang umuwi sa Angeles. Alam kong marami ka pang kailangang gawin sa resto mo."

"Naku, ito...pinapaalis mo na ba ako? Ayokong umuwi pa dahil sa nangyayari sa inyo ng inaanak ko. Di din ako mapapakali doon. Atsaka si Matteo, kailangan din nya ako dito. Ngayon na nga lang kami bumabawi eh. Atsaka feeling ko may ginagawang kababalaghan yun kaya ayokong iwan."

"Ito naman, si Matteo pa ang pag-iisipan mo ng ganyan?" natawa akong konti.

"Oy, wag mong ipasa sa akin ang moment. Ikaw, anong balak mo ngayon?"

"Anong balak?"

"Aba, hindi mo sya kakausapin? Di kayo mag-uusap ni Alex? Hindi mo sya pupuntahan? Imagine-in mo na lang kung anong pinagdadaanan nya ngayon. Ngayon lang nya nalaman ang totoo. He must be confused not to mention angry...indirectly sa'yo at lalung-lalo na sa nanay niya."

"Gusto ko syang kausapin naman talaga kaso natatakot ako. Paano kung di siya makinig? Ipagtabuyan ako?"

"Please lang Kimberly Sue! I-set aside nyo na ang pride nyong yan ha? Mahal  mo pa ba si Alex o hindi?"

"Ross naman!"

"Mahal mo pa o hindi?!!!"

"M-mahal..." mahina kong sabi. Ngayon ko lang na-realize kung gano ko sya na-miss sa ilang araw na di nya pagpaparamdam. Nasanay kasi akong nandyan lang sya. "Hay Ross. This is a mess!!!" nalolokang sigaw ko.

"So clean it up!! Ikaw na ang mag-umpisa. Mahal na mahal ka ni Alex kaya sya nasasaktan ng sobra ngayon. Pero ikaw lang ang kailangan nya sa mga panahong ito. So please lang. Utang na loob. Ayusin nyo ng dalawa yan okay?"

"Yung totoo, galit  ka kay Alex o kakampi ka nya?"

"Tigil-tigilan mo na  nga yan! Ano? Pupuntahan mo sya o hindi?"

"Ngayon? As in? Gabi na kaya!" protesta ko.

"O kelan mo gusto? Bukas? Time is Gold Ms. Chiu! Dali na, para maging Mrs. Lim ka na!" pagtataboy nito sa akin. Tinulak-tulak pa talaga ako sa pinto.

"Ano ka ba naman, atat lang? Si Iago, bantayan mo ah?" bilin ko dito.

"Oo naman. Dali! Alis!"

"Thanks bestfriend!! I love you!"

"Labyutu! Drama! Bilis!"

Ilang minuto pa ay nasa labas na ako ng town house ni Alex. Nalaman ko ang lugar nang minsan kong sunduin si Iago doon though di ako pumasok, naghintay lang sa kotse. Nag-doorbell ako. Walang sumasagot. Tiyempo, bukas ang gate. Ano ba namang Alex 'to! Pabaya? Naiiling-iling ako habang papasok ako sa main door. Nakabukas din ang pinto.

Nagulat ako sa nadatnan ko. Ang gulo ng sala! Grabe lang sa sobrang kakalat. May mga nagkalat na bote ng beer, parang delubyo ang dumaan. Ganito ba talaga siya naapektuhan?

Nabigla na lang ako nang may kumalampang sa taas. Must be his room. Dali-dali kong inakyat ang hagdan at sinundan ang tunog. May nakaawang na pinto sa may kaliwa kaya doon ako tumuloy. Ang bumungad sa akin ay ang nakahandusay na si Alex na may hawak-hawak pang bote ng alak.

"Alex!!! Ano ba namang....Anong nangyari ha?" Tinapik -tapik ko ang mukha nya. "Alex!"

Umungol ito at minulat ng konti ang mga mata nito.

"Sue...?"

"Oo, ako nga. Ano bang pinanggagawa mo ha? Hinahanap ka ni Iago, tapos nandito ka lang at naglalasing?"

"Pumunta ka ba dito para sermunan ako? Dapat nga magalit ako sa'yo eh. Ginawa ninyo akong tanga. Lahat kayo!!" sabi nito habang tinatangkang umupo. Tinulungan ko sya.

"Please Alex. Tama na nga yan. Wala ka nang magagawa. Nangyari na eh."

"So dahil nangyari na di na ako pwedeng masaktan? Ha? Hindi mo alam kung anu-ano ang naiisip ko nung mga panahong nawawala ka. Kung saan ka nagpunta, na baka may nangyari ng masama sa'yo. Hindi ko mapatawad ang sarili ko. Tapos si Mama pala ang may gawa ng lahat ng kamiserablehan ko noon? Alam mo ba kung gaanong kasakit na sarili mong ina ay ipinagkait sa'yo ang kaligayahan mo?"

"Hindi ko nga siguro maintindihan dahil wala na akong nanay. Pero alam ko ang pakiramdam ng maging isang ina, Alex. Ginawa lang ng mama mo ang sa tingin nya ang makakabuti sa'yo."

"At nakabuti ba? Tignan mo ang sitwasyon ko ngayon! Wala sa akin ang mga mahahalagang tao sa buhay ko."

"Na sa'yo Alex. Nandyan si Iago sa'yo. Di ko naman ilalayo ang anak ko sa'yo."

"At ikaw?"

HIndi ako nagkunwaring hindi ko alam ang sinasabi nya.

"HIndi naman ako nawala sa'yo eh..." tahimik kong sagot.

"Sue..." at unti-unti nya akong nilapitan at hinalikan. Una ay marahan pero habang tumatagal ay medyo naging mapusok na parang mawawala ako ilang sandali kaya mahigpit din nya akong yakap-yakap.

"Alex.." protesta ko. Tinignan lang niya ako saglit tapos ay ipinagpatuloy na ang ginagawa. Hindi na ako tumutol pa. Dinala niya ako sa banyo at sinindi ang shower.

We're fully clothed but we don't mind anything that's going around us. We just continue to savor the moment...this moment that we finally let go of the past. I know, everything will change tomorrow between all of us.

Alexander

Nahimasmasan na ako nang tumutok kami sa shower ni Sue. I am still kissing her passionately and one by one I took her clothes off. She's doing the same thing. There's an urgency in our actions. I know, I have been waiting for this for so long. Sure, I had been with other girls after her pero those were just to satisfy the void Sue had caused.

She moaned as I trail kisses down her neck. She's caressing my back, giving wha I want, giving me herself fully. I kissed the top of her chest.

"I missed you Sue." I whispered and continued to capture her nipple as I caress the other. She's also doing her own explorations through my back then on my chest. And once again I kissed her. We're both naked and I could feel the warmth of her body. And if I delay our union, di ko na lang alam. I nudged between her legs and pinned her on the wall. She must have sensed what I'm about to do so she whispered my name.

"Sshh. I've waited this for so long. I need you now Sue."

She didn't answer, instead she wrapped her legs around my waist. And then, I started what I needed to do after so many years of waiting. We became one once again. It was the sweetest reunion of all.

AN: Finally! :))

Sorry sa ikling chapter! Hihi. Gusto ko lang mag-update ngayon para bumawi. :)

Broken beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon