Sue's POV:
When I opened my eyes, everything felt unfamiliar and then I remembered that I am in Pampanga na nga pala. I stayed sa pagkakahiga and just stared at the ceiling. It's Sunday and when it's Sunday, Iago and I would go to hear the mass and then eat at our fave deli shop. I sighed. I miss him. I wish he's with me now.
I dismissed the thought and just consoled myself that this is for him, what I'm doing. With that, tumayo na ako't naghilamos. May narinig akong nagkwe-kwentuhan sa labas, mga masasayang boses at nagtatawanan.
Sinong bisita ni Ross? sa isip ko.
Pagkababa ko ay sinundan ko ang mga boses. I found them sa breakfast island ni Ross. Them--my old friends! They are here! I am so happy! Na-miss ko silang lahat. Though marami akong dapat i-explain sa kanila. Sana I can get away with their questions now.
"SUE!!!" Kahit kailan ang iingay nila.Sinugod nila ako. Unang-una yumakap sa akin si Melissa tapos si Erich. My other two bestfriends.
"Mel, Rich! Na-miss ko kayo." I suddenly found myself crying with them na rin.
"Kumusta ka na? Ha? Napano?" Walang-wala talaga silang idea kung bakit ako umalis. Si Ross lang ang nasabihan ko noon dahil sa pamimilit niya.
"We'll get to that later, girls. Grabe. Na-miss ko kayo ng sobra. And I'm sorry." Sabi ko habang pinupunas ko ang mga luha ko. Dinala nila ako sa may sala and found that di lang pala sila ang nandoon. Even Enchong, Matteo, and Jake.
"My God Sue! It's good to see you again!" bulalas ni Jake sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"You too, Jake. I can't believe you're all here!" I said matapos akong bitawan ni Jake. Hinarap ko silang lahat.
"We can't believe you're back either Sue. Kagabi lang sinabi sa akin ni Ross." si Matteo na nakayakap sa bewang ni Ross.
"Are you back for good?" si Enchong na tahimik lang nakamasid.
"Okay guys. Before the press conference, let's eat breakfast muna? Gutom na ako eh!" si Ross. Buti na lang mabilis maka-ride ang best friend kong ito. Saved by the bell ulit ako.
Ang ingay namin habang kumakain kami. Parang hindi ako nawala. Sila pa rin yung mga kaibigan kong laging dumadamay sa akin sa lahat ng mga nadaanan kong pagsubok.
"How was your life in Macau?" umpisa ni Enchong after naming kumain. We went to the back garden of the house para mag-kwentuhan. The mood suddenly changed. I know wala na akong kawala sa kanila this time.
"It turned out pretty great actually. Noong una akala ko I would have a hard time in adjusting. Ang foreign ng lugar. Wala akong kilala. Good thing my Aunt saved me by flying there from Hong Kong. At matapos niyang malaman ang mga nangyari, di na niya ako iniwan. We rented an apartment there. After some time nakahanap na din akong work sa isang publishing company owned by a half-Pinoy half-Chinese old man. Naging part time writer ako at first hanggang in-absorb na akong tuluyan ng kumpanya. I've been writing for this magazine for 2 years now. So all is well." mahaba kong paliwanag.
"So you're actually a writer now? Great Sue! Natupad mo na dream mo!" remarked Melissa.
"Oo nga eh. Di nga ako makapaniwala. Life's been good to me kahit may mga bagay na di ko inaasahang mangyari. I guess I'm just starting to appreciate lahat ng naging outcome ng mga incidents dati." maluwag ko nang nasasabi yan. Though siyempre may mga panahon talagang nalulungkot ako kapag naaalala ko siya, katulad kahapon.
"We're glad you are okay na. Sobrang worried namin sa'yo nung umalis ka. And nung nandun ka na, you cut every connection we had. Kay Ross ka lang nakikipag-communicate." ani Enchong. I could understand yung panunumbat niya. Enchong and I had been very close dati, para ko na siyang kuya.
"I know. I am sorry talaga. If you only know kung anong dinadaanan ko nun...But I don't want you to get involved kasi ayokong malaman ni Alexander ang anumang nangyayari sa akin. Alam ko namang kaibigan niyo pa rin sya Jake, Matt, Enchong." I particularly said. It's been the first time to say his name. I just thank God na di ako nag-stammer.
"You are our friend too, Sue. Kung ano mang ginawa ni Alex sa'yong hindi maganda, hindi namin kukunsintihin. Alam mo 'yan." si Jake.
"I know. I know. Napagpasiyahan ko lang talaga kasi na walang ipaalam sa inyo para hindi kayo damay sa anuman." Panghingi ko ng paumanhin.
"What really happened Sue? Before you left? We know na naghiwalay kayo ni Alex. But is that enough reason para layuan mo kaming lahat?" madamdaming tanong ni Erich. Kahit best friend ko sila ni Mel, hindi ko pa rin nagawang magtapat sa kanila. I was absorbed by my problems at that time that I just want to go away, alone, in a place that no one knows me.
"Yes, Sue. Why did you leave?"
Natigalgal ako nang sinundan ko ang boses na bigla na lang sumabad sa usapan namin.
My personal gorgeous monster.
AN: Ohow! Alex 'gate crashed'! Anong mangyayari sa muli nilang pagtatagpo? Who's Iago? What really happened before Sue left for Macau?
BINABASA MO ANG
Broken beyond Repair
RomanceSabi nila isang beses ka lang magmamahal talaga. At ang iba ay manifestation lang na kaya mong mabuhay nang wala siya pero sobra pa rin ang kulang. "Minahal ko siya magmula nang hindi ko pa alam kung ano ang kahulugan ng pagmamahal. Kailan niya ako...