BBR15: Iago and his new playmate

4K 55 17
                                    

Alexander

Nasa hospital ako ngayon. Nagpasama si Mama na magpa-check up. I really don't want to accompany her given the last time we saw each other but my father made me to. So kahit labag sa loob ko, sinamahan ko na din sya.

I left her inside the office of her doctor. Naglibut-libot muna ako. Then I decided to go to the nursery. I looked at the babies there and then naisip ko na lang na hindi ko man lang nakitang ipinanganak ang anak ko. Yes, di man inaamin ni Sue na anak ko si Iago pero yun na rin yun. Alam na alam kong anak ko siya. Paalis na sana ako nang may napansin akong batang lalaki na paikot-ikot ang tingin na parang may hinahanap.

"Are you lost kid?" I ask as friendly as I can. Why is he alone? He must just around 2 or 3?

"Not really. I was looking for the nursery. Do you know where it is?"

"Well, you've found it! Here's the nursery kiddo!" Nakangiti kong sabi. There's something in the child that I can't pinpoint. Normally, I am not that overly enthusiastic when I talk to kids...well I don't really talk to kids that much. Pero sa batang ito parang I am drawn. Siguro dahil dala ko sa isipan ko si Iago.

"Grool!" sabi nito tas kumaripas papunta sa may salamin na nagse-separate sa mga babies na nakahiga at mahimbing na natutulog. Dahil hindi pa nito gaanong abot, ay tumatalon talon ito para makasilip.

Hindi ako makakilos o makapagsalita. May sumiksik sa alaala ko.

"Ano 'to Alex? SIberian Husky ba 'to?" namimilog ang mga mata nito nang makita niya ang dala kong aso.

"Yup! Dala ni Papa. Ang cute no?"

"Grool!" sabi nito sabay haplos sa aso.

"Anong 'grool'?" natatawa kong tanong. Pag minsan talaga ang weird  ng honey ko.

"Grool. Great + Cool. Nakuha ko sa One Tree Hill, yung sinasabi kong favorite American series ko? Sabi na kasi sa'yo panoorin mo din eh."

"Haha! Kung anu-ano ang napupulot mo dun. Pero sige na nga, mag-marathon tayo. Mapanood nga ang pinagmamalaki mong series na 'yan."


"Grool?"  Malakas kong tanong sa bata para makuha ko ang atensyon niya. Nilapitan ko na din to at mukhang tuwang-tuwa pagkakita sa mga bata.

"Yes! My mom taught it to me. She said it means great and cool." sagot nito na bahagyang lumingon sa akin.

"Where is your mom? Bakit mag-isa ka lang dito?"

"Kausap po my pedia. I got inip so I sneaked out to look for the babies."

"Don't you know that's bad? Baka hinahanap ka na nila nyan. Do you like your mommy to get worried?"

"Ahmm..no. But..."

"Where are they? I will bring you to them."

"5 more minutes please? Let's play first!"

"What do you want to play?"

"Hide and seek!"

"I don't know how to play that. Come on, let's bring you to your mom."

"I am not supposed to talk to you, you know. Mom said, I shall not talk to strangers." Sabi nito habang naglalakad kami pabalik doon sa pinanggalingan niya.

"So why are you talking to me?"

"I don't know."

"ALEXANDER!" may sumigaw bandang likuran ko and I saw my mother walking towards us. I already forgot her because of this boy.

Broken beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon