BBR13: The life getter

3.6K 51 8
                                    

Sue's POV:

"Good inputs, Sue. No wonder Mrs. Chan is very fond of you. Mapapadali ang pag-alis ko sa kumpanya dahil sa progress mo. I am very happy." puri ni Ms. Eva, ang paalis na EIC ng La Tigra. Nakakataba ng puso na marinig ang mga salitang ito mula sa isang institusyon na kung tutuusin. Ms. Eva and I had clicked in an instant. She's very classy, smart, independent woman, just like the readers of La Tigra mag. In more ways than one, super akong nakaka-relate sa vision ng magazine.

"Thank you Ms. Eva. Andami kong natutunan sa inyo. Sana naman magtagal ka pa din dito. Baka hindi ko kayanin kapag mag-isa ako." 

"Naku Sue, ha. Kayang-kaya mo kaya. At sa nakikita ko sa pag-welcome sa iyo ng staff, di ka na din mahihirapan sa kanila. I am very sure suportado ka nila. Aba kung hindi, lagot sila sa akin." Natawa ito sa huling tinuran.

Tama si Ms. Eva. Maganda ang naging transition ng pagpasok niya sa magazine. Mukhang magkakasundo ang mga empleyado. Walang bad blood kumbaga, hindi kumpetisyon sa isa't isa bagkus gumagalaw ang lahat ayon sa trabaho para sa ikakaganda ng magazine. She feels proud of being in that company.

And speaking of the company, Ean had been a constant sight sa office nila. Tinutukso na nga siya ni Ms. Eva na sagutin ko na daw ito. Iiling na lang ako pag ito ang topic. Nasabi ko na din sa kanya ang sitwasyon ng buhay ko. She had a lot of advices and I just listen.

"Thank you din pala at pinayagan niyo akong di pumasok bukas. Kebago-bago ko, naga-absent na nga ako." Nahihiya kong sabi.

"It's nothing hija. Of course family comes first. Kung nagkaroon sana kami ni Marco ng anak, for sure I'll drop my dream job. Kaso ayun, itinadhana talaga kaming dalawa lang ang magkasama habang buhay. Basta dalhin mo dito ang bata nang makapaglaro kami." Yes, Ms. Eva didn't get the chance to have a child kaya naman excited din ito sa pagdating ni Iago.

"Oho naman. Sana makapag-adjust ang anak ko sa bagong klima at kapaligiran. But he's excited to see his mommy. And I am too." 

"I'm sure he'll be great here."

Tumango lang ako. Biglang pumasok sa isip ko si Alex.

Pagkatapos ilan pang sandaling pag-uusap ay lumabas na ako sa office ni Ms. Eva. Pagkapasok ko sa office ko naman ay si Ean ang nadatnan ko.

"Ean, este Sir EA. Anong ginagawa mo dito?"

"I was wondering if you want to have lunch with me?" He smiled that trademark of his, the devilish smile. 

"Dapat di ka laging pumupunta dito Ean. Baka kung anong sabihin ng mga tao." Sabi ko habang nilalapag ko sa mesa ang mga ginamit ko kanina sa brainstorming namin.

"Bakit? Anong sinasabi nila?" patay malisyang tanong nito habang sinisilip-silip ang mga gamit sa mesa.

"Wala pa naman. Pero baka kako, magkaroon. Hay naku. Tumayo ka na nga diyan! Lunch na kung lunch!" Nauna na akong lumabas sa office at tumuloy-tuloy sa elevator. Di na ako nag-abala pang lingunan ito kung sumunod ba o hindi.

"Natatakot ka lang na baka ma-in love ka ulit sa akin eh." Mahinang bulong nito sa tenga ko habang hinihintay naming bumukas ang elevator.

"Magtigil ka nga. Anong in love in love ka diyan. Edgar Allan ha? Nag-usap na tayong matino!" sabi ko sabay hampas sa balikat nito.

"Aba't! Ganyan ba dapat tratuhin ang boss mo?" Bumukas ang pinto at pumasok kami sa loob. Pinindot ko muna ang Ground Floor button bago ako sumagot.

"Sorry po Sir EA. Di na po mauulit." mataray kong sabi.

"Nakakamiss talaga ang katarayan mo." Tatawa-tawang sabi nito. Hindi kami nag-usap ng ilang sandali pagkatapos ay nagsalita ulit ito. "Napano ang pag-uusap niyo ni Alex?"

Broken beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon