Ross
Kasalukuyan kaming nagbe-babysit ni Matteo kay Iago. Paano, si Sue eh nasa isang shoot para sa cover ng magazine, busy ang ate mo. Si Tita Ysa naman eh ayun, nakipagkita sa mga friends niya sa Pampanga. Si Alex na-busy sa Grool's. Eh hindi naman pwedeng sumama dun si Iago. Baka kebata-bata marunong nang tumoma ang bagets. Kaya eto, kaming dalawa ni Matteo ang naatasang magbantay sa makulit dahil kami naman daw ang mga Ninong at Ninang. Kung sanang nandito din sina Erich at Mel kaso out of the country ang dalawa para sa isang fashion show. Sina Jake at Enchong naman ewan at nawawala. Nambababae na naman siguro.
"Pretty ninang Ross!" natigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Iago. Charmer talaga ang inaanak kong ito. Ganda ng tawag sa akin eh!
"Yes my baby boy? What do you want?"
"Why mom and dad don't like to give me my gift? It's my birthday naman po di ba?" Medyo nakasimangot ito na parang nagpapa-cute. Naglalaro sila ni Matteo ng legos pero iba pala ang nasa isip nito.
"Ano ba ang gift na hinihingi mo kina mommy mo?" tanong ni Matteo.
"A baby brother po."
Naka! Sabay pa kaming napaubo ni Matteo at nagtinginan.
"What did your mommy say?"
"That I can't have nga po one. Why pretty ninang? Why gwapo ninong?"
"Ahhh. You can't understand pa kasi buddy eh." Sagot ni Matteo sabay gulo sa buhok nito.
"But I'm sure, you'll still be happy on your birthday. Aren't you happy? You have both your mom and dad on your birthday. Cheer up baby!" pagpapasaya ko sa kanya. Grabe naman kung makahingi ng gift tong junakis na to, oo.
"Oh tama na ang pagmumukmok. Bakit di mo na lang ikwento sa amin ni pretty ninang mo yung nangyari kahapon kina Tito Ean mo?"
"Uhm, I was happy! Tito Ean is good and he made me play his old toys. Tapos his mommy and daddy always hug me! Fun fun! But I wished Daddy was there."
"Well there's Tito Ean naman di ba?"
"Oo nga po pero I like Daddy more!" giit ng bata.
"Oo na, sige na. Play pa kayo ni Tito Matteo mo doon. I'll cook you lunch."
Habang pinagluluto ko sila sa may kusina ay lumapit si Matteo sa kitchen.
"Oh, bat iniwan mo yun? Ano nang ginagawa?"
"Ayun, nagco-color. Kaiba talaga ang batang yun."
"Too smart for his own good. Kaaliw lang ha, naghahanap na ng kapatid talaga. Eh sa nangyayari ngayon, paano na lang kaya igagawa nina Sue at Alex ng kapatid yun. Tsk tsk." Natatawa na lang ako.
"Oh edi tayo ang gumawa!" nakangising sabi nito at tinataas-taas pa ang kilay.
"Ano ka? Sinuswerte! Ikaw no! Pakasalan mo muna kaya ako! Nakakaloka to!"
"Ba, walang problema dyan. Edi pakasal tayo!"
"Proposal na ba yan Matteo?"
"Hmmm....secret!"
"Ay ewan ko sa'yo! Balik ka na nga kay Iago!" Pagtataboy ko sa kanya at umalis din naman ito at bumalik kay Iago.
Matteo
Hindi naman ako nagbibiro nang sinabi kong pakasal na kami ni Ross. Pero siyempre bobonggahin ko ang proposal di ba?
Pagkabalik ko kay Iago ay tinitignan lang niya ako.
"What's up buddy!"
"Gwapo ninong can you call my daddy?" mukhang may binabalak ang bulilit na 'to ah!
"Why?"
"I want to talk to him..."
"Okay, wait lang." Nilabas ko ang phone ko at d-in-ial ang number ni Alex. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot din ito.
"Oh Matteo! Napatawag ka? Sensya na busy eh. Kumusta ang pagbe-baby sit sa anak ko?"
"Uhm eto, gusto ka daw kausapin...Iago, here's your daddy na." Inabot ko ang phone sa bata at kaagad naman itong kinuha.
"Hi daddy! Yes daddy. I am okay. Do you want to give me my gift? Please daddy? Make mommy say yes? Please? Okay, eto na po." Inabot sa akin ni Iago ang phone.
"Oh pare. Ano yun?" tanong ko.
"Eh kasi nga naghihingi ng baby brother. Grabe lang pare ha. Kakahilo ang anak ko. Anong gagawin ko?"
"Eh di i-seduce mo si Sue!" loko ko sa kanya.
"Gagong 'to! Seryoso nga!"
"Eto na lang pare, tulungan tayo. Tulungan kitang ligawan ulit si Sue. Tulungan mo akong mag-isip na magandang proposal for Ross. O ano?"
"Aba...oh sige na nga! Pag-usapan natin yan!"
"Sige, sige. O siya, babantayin ko muna ang anak mo. Daan ka dito mamaya!" Paalam ko dito.
"What did daddy say?"
"I think you'll get your birthday gift na."
AN: Ang pilyo lang nila no? Kaloka sila! Hahahaha! Sorry sa uber short na update. Mehehehe. Bawi ako, pramis! :D
![](https://img.wattpad.com/cover/2130302-288-k857691.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken beyond Repair
Lãng mạnSabi nila isang beses ka lang magmamahal talaga. At ang iba ay manifestation lang na kaya mong mabuhay nang wala siya pero sobra pa rin ang kulang. "Minahal ko siya magmula nang hindi ko pa alam kung ano ang kahulugan ng pagmamahal. Kailan niya ako...