<Masyado akong naaliw sa pagbabasa ng His Bedmate kaya naman na-late akong mag-update. Tas, nacu-curious na din ako kay Christian Grey. Mehehe. So heto na ang kasunod. Magbabalik tanaw muna si Papa Alex. :D Enjoy!>
Alexander's POV:
I still can't believe na may anak na si Sue. Sino ang daddy? Gusto kong malaman kung sinong walang hiyang lalaking umagaw sa misis ko!
Wait, Alex, rein your thoughts. Kastigo ng kabilang bahagi ng utak ko.
Misis ko naman talaga siya ah! Remember?
Flashback:
"Oh Alexander san na naman ba tayo pupunta ha? Ikaw, ang hilig mong kini-kidnap ako! Andami ko kayang paper works sa bahay!" Maktol niya. She looks adorable kapag ganito na siya, naka-pout, parang bata.
"Grabe naman 'to. Bakit, ayaw mo ba akong kasama? Kasakit ka ng loob, hon, lam mo yun?" kunwari tampo ko, habang nagmamaneho ako. Ewan ko lang kung magpa-pout pa siya pag nadala ko na sya dun sa surprise ko.
"Gusto naman. Kaso ang demanding mo pag minsan. Kung makautos, hari lang. Cute mo hon! Sarap--"
"Papakin?" Loko ko sa kanya.
"Hindi sarap sapakin!" sabay tampal sa braso ko.
"Nako no. Nabubugbog na ako sa'yo. Laging may sampal o kaya suntok. Ang tawag dyan, tough love. Sabi na eh. Love mo ko." Pang-aasar ko sa kanya.
"Love, love ka diyan! Sinong nagsabing love kita?" Nakataas ang kilay na sabi nito. Ouch naman ah!
3 months pa lang kami. Pero sa mga panahong iyon hindi pa kami naga-I love you-han. Weird no? Mahal ko si Sue. Napatunayan ko na 'yan sa 4 na taong pag-iwas ko sa kanya. Oo, ever since na nagkakilala na kami, gusto ko na siya. Pero tulad ng ibang walang kwentang lalaking teenager na ayaw matali sa isang seryosong relasyon, ginawa ko siyang parang tanga. I am a jerk, I know. Pero sa takot kong masaktan noon, siya ang nasaktan ko.
Kahit kailan hindi pinamukha sa akin ni Sue ang mga katarantaduhan kong ginawa. Marami akong naging girlfriend bago siya. Mga hindi seryoso. Nasasabi ko sa mga ex ko ang mga katagang I love you, pero deep down inside, walang laman pag nasasabihan ko ang mga babae ng ganun.
I silently watch Sue through the years. Nauna akong nag-graduate sa kanya. We are, to safely say, friends, mere acquaintances. Pero one time nung nag-Fontana kami, di ko na napigilan ang sarili ko. I need to be close to her. And so, nakipagkuntsaba ako sa mga friends namin kaya magkatabi kaming natulog ni Sue. And before everyone woke up, I kissed her. I know she was shocked. Pero naging mapagbigay siya.
We never talked about it. And I run away from it. Isa pang kagaguhan alam ko. Pero hindi pa ako handa. Until after I graduated, nalaman-laman kong may dine-date na daw si Sue. Mukhang seryosohan. Pero di ko lam ang nangyari, bigla na lang wala. Wala akong nabalitaang naging sila o ano. At doon, nakahinga ako ng maluwag.
At since nagsawa na ako sa kakatakbo sa totoo kong nararamdaman, at the first chance na nagkaroon ako, I promised myself na itutuloy tuloy ko na. Kaya naman kunwaring hindi ko alam kung saan siya nagttrabaho, gumawa akong excuse na bibilhan ko si Dad ng damit. Lame ba? Oh well.. :D
And I was the happiest man alive when she agreed to be my girlfriend. I know nung una may doubts sya sa intensyon ko pero I maDe sure to make her feel that I genuinely love her. I am just looking for the right time to say that to her. And God help me, I hope she feels the same way too.
"Hoy, tumahimik ka na dyan. San ba tayo pupunta?" untag nito sa malalim kong iniisip.
"Malapit na tayo. Chill!" kinindatan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Broken beyond Repair
RomanceSabi nila isang beses ka lang magmamahal talaga. At ang iba ay manifestation lang na kaya mong mabuhay nang wala siya pero sobra pa rin ang kulang. "Minahal ko siya magmula nang hindi ko pa alam kung ano ang kahulugan ng pagmamahal. Kailan niya ako...