BBR16: Incomplete

3.9K 48 14
                                    

Sue

Iago's spending more time with his father nowadays. I can't do anything about it dahil mukha talagang gustong bumawi ni Alexander sa anak niya. Iago is very happy everytime he goes home. He has endless stories about where they have been that day. Daddy made me ride a horse Mom! Daddy and I went kart racing Mom! And every single time, he would end his sentences with "I hope you were with us Mom. It will be much happier if we're together, all of us". And of course ang walang kamatayang sagot kong, "I'm sorry darling. Mommy is busy with work. But I'm glad you're enjoying with your Dad."

"Thank you for letting me spend time with my son, Sue." Sabi ni Alex one time na hinatid nya ang bata. The first days ay nagpipilit itong mag-usap kami about getting back together pero one time ay nakita niyang hinatid ako ni Ean. He didn't say anything. Kahit ang pagiging close na din ni Ean at Iago ay wala syang naririnig mula sa kanya. I don't like the silent treatment he is giving me nowadays pero siguro mabuti na din ang ganoon.

"Sue, ano, okay na ba 'tong venue? Hindi masyadong malaki, hindi din maliit. Konti lang ang mga imbitado, mostly pa mga matatanda kasi naman wala pang friends na bata dito si Iago." sabi ni Ross na kanina pa pala kumakatak. They are in the party organizer's office at fina-finalize ang party ni Iago which is a week from now.

"Yes. Sige, dyan na lang." sang-ayon ko dito.

"Okay ka lang? Parang andami mong iniisip dyan." concern na tanong ni Ross.

"Oo naman. I am fine. Okay na ba ang lahat? Basta gusto ko lang maging masaya si Iago sa party niya. This is his first grand party kasi kapag nagbi-birthday sya doon, simple lang."

"Ever since nalaman ni Alex ang tungkol kay Iago ganyan ka na. Aba, puro padala ka ng muffins, donuts, at kung anu-ano pa kay Matteo pag umuuwi sya sa Pampanga para sa akin ah. Alam kong stressed ka kasi bake ka nang bake."

"Ah, best friend, mamaya na natin pag-usapan yan. Tapusin na lang natin muna ang agenda dito."

Pagkatapos ma-finalize lahat ng kailangan sa party ni Iago ay nagyaya akong mag-shopping. Tutal naman mamaya pang gabi ibabalik ni Alex ang anak ko eh sulitin ko na ang araw kasama ang best friend ko.

"Ano bang balak mo ha Sue? Ganyan lang talaga ang set up niyo nina Alex at Iago? Hiraman lang ganun?" Tanong ni Ross sa akin habang kumakain kami ng merienda.

"Bakit, ano pa ba ang pwedeng ibang sitwasyon namin Ross?"

"Edi magbalikan kayo ni Alex para happy family diba?"

"Ano ka ba. Sa tingin mo ganun kadali yun?"

"Bakit hindi. Aminin mo, mahal mo pa naman si Alex di ba?"

"Pwede ba Ross, tigilan mo na nga yan. Hinding-hindi na kami magbabalikan ni Alex. Ayaw ako ng pamilya niya, antagal din naming naghiwalay at sigurado akong hindi na ako mahal ni Alex. Gusto lang nun makipagbalikan sa akin nung una pero tignan mo naman ngayon, wala na, hindi na sya nangungulit. Na-realize siguro nya na magwo-work ang ganitong set up for Iago. At least dalawa kaming kilalang magulang ng anak ko. Okay na siguro yun. Wala eh, ganito ang kapalaran naming lahat."

"Naniniwala ka talaga diyan? Mahal ka ni Alexander, Kimberly Sue. Huwag mong ipagkait ang pagkakaroon ng buong pamilya kay Iago. Pag-isipan mong mabuti. Hindi na lang sarili mo ang dapat mong isipin dito. Alam mo sa sarili mo, mahal na mahal mo pa din si Alex. Oh eh di ba, sabi mo sa akin noon, siya lang ang nakikita mong magiging kasama habang buhay? Siya ang magiging ama ng magiging anak mo? Siya lang at wala ng iba pa? Kaya kahit di ba noon pa mang hindi kayo, wala kang ine-entertain na manliligaw kasi sa puso mo siya lang talaga? Except si Ean kasi naman talagang akala mo kaya niyang punan ang space na para lang kay Alex. Pero hindi din umubra di ba? Kasi si Alex lang talaga." mahabang sabi ni Ross.

Broken beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon