AN: Woooohhh! Antagal ko bago nakapag-update! Sorry friends!!!! Na-busy lang...sa pagbabasa sa ibang mga libro like Delirium at Pandemonium by Lauren Oliver. Try niyo din! Love is a disease sa mundo nila. :D
Tapos wala talaga akong inspirasyon para magpatuloy. Wala akong mapiga sa utak ko. Mehehe.
Pero buti na lang at napanood ko ang The Reunion kagabi. Tawang-tawa ako grabe. Aliw!!! Tapos dun pala may anak sa pagkabinata si Xian. Naaliw ako sa connection sa story ko. Pati na ang One More Try, naalala ko dun si Iago. Alam niyo bang iniisip ko dati na bigyan ng sakit si Iago? Kaso wag na. Masyado nang madrama yun. Andrama na nga ni Sue eh. Hehe.
O siya. Eto na po at ipagpapatuloy ko na. Enjoy! Happy New Year!!! :))
SUE:
Ang totoo, birthday party ito ng anak ko o isang prank show? Clearly, hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa party ni Iago.
"Sue...Alex...anong..? EA?" kita ko naman sa mukha ni Shaina na ito man ay nagulat sa nangyayari. Oo nga naman. Kagulat-gulat na ang dalawang taong pinaghiwalay niya dahil sa kasinungalingan ay himalang magkasama ngayon hindi ba?
"Wait, you guys know each other?" Nakakunot-noong tanong ni Ean. Ang liit talaga ng mundo, oo!!
"Hija!" Biglang sabad ni Ms. Jewel. Ah oo naman. Partners in crime nga pala ang dalawa. Ang mission nila ay maging miserable ang buhay ko.
"Tita Jewel? Ano hong nangyayari? Bakit magkakasama kayong lahat dito? EA? Hindi mo sinabing..." base talaga sa mukha ni Shaina, mukha talaga itong gulong-gulo sa pangyayari. Kahit ako man, naguguluhan. Sa dinami-rami ng pwedeng maging childhood friend ni Ean ay si Shaina pa?
"Ahm Sue. Pwedeng mamaya na lang ang drama dito? Tinatawag na kayo ni Alex ng host para sa pagbo-blow ng candle ni Iago. Please? Tara na?" Yaya ni Ross sa amin ni Alex. Tumingin ako sa stage at nandoon na nga si Iago, naghihintay.
"Let's go Sue." Alex held my elbow and helped me walk towards the stage.
"Mom what's wrong?" tanong ni Iago. Napansin siguro nito ang sobra kong pagkakunot noo.
"Ahm, nothing baby." Pinasigla ko ang boses ko. "Come, let's blow your candle na."
The Happy birthday song filled the air. The visitors are so oblivious as to what I feel about what happened minutes ago. Basta kami ni Alex ay nakatawa at pumapalakpak. Of course, si Iago first before anything else.
"Happy birthday baby!!! I love you so much!" I said and hugged him tight.
"Happy birthday bud! I love you!" Si Alex naman at kinarga si Iago.
"This is the best birthday ever!!! Thanks Mom. Thanks Dad." Hirit pa nito.
After ng party ay pinahatid ko na kina Ross at Matteo sina Tita at Iago. Naiwan kami nina Ean, Shaina, at si Alex ay kausap ang mama nito.
"Sue...I know this is so confusing. I know I am. You and Alex had a son?"
"I had a son. He didn't know his father, thanks to you." Sarkastiko kong sabi. Kung noon di ako lumaban, ngayon di na ako papayag apihin ng mga taong naging dahilan ng pagiging miserable ko noon.
"Paanong nasali dito si Shai, Sue?" tanong ni Ean.
"She and Ms. Jewel drove me out of the country days after I've realized I'm pregnant."
Alexander:
"Mauuna na ako Alex." Paalam sa akin ng mama ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganitong kabalisa.
"No, Ma. I want to know the truth from you. Please. Once and for all, sabihin mo sa akin kung anong kinalaman niyo sa biglang pag-alis ni Sue?"
"Anak. Please try to understand kung bakit ko nagawa yun noon. I thought si Shaina ang nababagay sa'yo. I never really liked Sue for you. Kasi imbes na sundin mo ang gusto namin ng daddy mo, mas napapalapit ka sa kanya..."

BINABASA MO ANG
Broken beyond Repair
RomanceSabi nila isang beses ka lang magmamahal talaga. At ang iba ay manifestation lang na kaya mong mabuhay nang wala siya pero sobra pa rin ang kulang. "Minahal ko siya magmula nang hindi ko pa alam kung ano ang kahulugan ng pagmamahal. Kailan niya ako...