{ s o u l 3 }

14.9K 242 11
                                    

Updated na po ang Broken soul please Do Vote and comment kelangan ko ng feedback ahihi hot ni Jong in dito! AHAHAHA

Chapter 3

JEANNA’s POV

 

“Ayaw ng pumayag ni Denise na Makita mo ang bata, sinabi na rin nya sa DSWD na iniimpluwensyahan mo ito ng mga bad things kaya nagiging magaspang ang ugali nito, for short pinagmukha ka nyang bad influence” sabi sa akin ni Ma’am Vina habang magkausap kami ngayon

“Ma’am wala na bang paraan? Nagsisingungaling naman sya eh, wala naman akong sinasabing masama sa anak ko ukol sa kanya” sabi ko sa kanya. Di ko alam ang mararamdaman ko, gusto ko ng mabawi ang anak ko pero parang wala, wala na akong pag asa kung di lang ako naging mahina noon. Di ko sana mararamdaman ang ganito, di ako mahihirapan na mabawi ang anak ko.

“Jeanna, the only way para mabawi mo ang bata is yung maging capable ka, nasa records mo that you attempted suicide three times habang pinagbubuntis mo si Henry kaya nakakaapekto yun, dagdag pa yung psychological records mo” sabi nya sa akin

“Pero di ko naman na po kasi gagawin yun, gusto ko lang naman makabawi ako sa anak ko eh, di pa ba sapat yun?” tanong ko sa kanya habang umiiyak, Oo totoo tinangka kong bawiin ang buhay ko dati pero narealize ko mali iyon na magkakaanak na ako at na dapat buhayin ko ito.

Kahit na ano pang dahilan ang lumabas, napabuntong hininga sya At saka tumingin sa akin. ‘kinausap ako ni Amiel nung isang araw” sabi nya sa akin napatingin ako sa kanya at saka nagpahid ng luha ‘he was interested on how you lived, but don’t worry wala akong sinabi” sabi nya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanya “Wala ng kinalaman si Amiel sa akin ngayon, Ma’am Vina” sabi ko sa kanya.

“Why don’t you tell him the truth, what happened to you?”She told me

“Tulad nga ng sabi ko Ma’am wala na syang kinalaman sa akin, wala akong balak magpaawa sa kanya ngayon walong taon na ang nakakalipas sa pagitan namin” sabi ko ulit sa kanya at sapilitang ngumiti “ang hirap magsinungaling sa kanya, Magpanggap na wala akong alam sayo it took me a while to realize na siya pala yung kinukwento mo sa akin” sabi nya sa akin.

“Maraming salamat ma’am Vina ha? Basta kung may itatanong sya wag nyo na lang sabihin, mas okay na paniwalaan nya kung ano ang dapat paniwalaan nya” sabi ko sa kanya at saka ako napayuko

“Ang pokus ko ngayon ay yung anak ko, kung paano ko sya mababawi” sabi ko sa kanya at pilit akong ngumiti.

“You need to have a good life in a short period of time, kelangan mong inangat ang buhay mo para payagan ka, kelangan may asawa na magsusuporta sayo, may pamilya na pwedeng gumabay sayo. Maging capable ka at kayang suportahan ang lahat ng needs ng bata, Pag nakuha mo ang mga qualities na iyon, baka pagbigyan ka at ireevaluate kung sino ba talaga ang magiging magulang ni Henry” sabi nya sa akin. Napaisip ako, pitong taon ng patay ang nanay, at wala naman akong mga kapatid, kahit mga kamag anak ko nasa probinsya pa sya sa Samar. Di ko rin sila kilala pagkat lumaki ako dito sa Maynila, Dalawampu’t- siyam na taon na ako dito sa Maynila.

Broken Soul [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon