{ s o u l 2 1 }

10.8K 224 21
                                    

Updated ulit! 40 Votes and 15 Comments for next Chapter malapit na talaga ang ending nito! Last two chapters then Epilogue kung tama ang bilang ko sa utak ko.

--

JEANNA’s POV

Andito ako sa parke ngayon at namamasyal masyal sabi ni doc. Arthur dapat daw sa akin na mamasyal para malibang isip ko at the same time mapagisip ako “Ma’am Jeanna, may naghahanap po sa inyo” sabi ng nurse sa akin.

Tumingin ako sa kanya “sino daw?” tanong ko sa kanya.


“andoon po sya sa may Bench, Ma’am Jeanna” sabi muli ng nurse sa akin.

Nakita ko ang ina ni Amiel na nakaupo doon na parang may hinihintay sinamahan ako ng nurse na papunta sa kanya “Ma’am” tawag ko sa kanya sa magalang na paraan. Binaling naman nya ang tingin nya sa akin at saka sya ngumiti sa kin.

“Jeanna, pwede ka bang makausap?” tanong nya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya “Bakit po ba? Tungkol po ba iyan kay Amiel?” I asked her.

Huminga sya ng malalim sa harap ko “Alam ko na malaki ang kasalanan ni Vlad sayo at saka ng asawa ko, Alam ko na sila ang dahilan kung bakit ka may sakit sa isip ngayon” Pagkwento nya sa akin “and I am sorry for that” sabi nya muli sa akin.

Nakikinig lang ako sa kanya “Alam ko naman na mahal na mahal ka ng anak ko, kahit na anong gawin ko para iwan ka nya ayaw nya, maging nung sinabi nya napapakasalan ka nya dati, ayaw nyang pumayag na wag ituloy dahil sa mahal ka pa rin daw nya kahit sinaktan mo sya” sabi nya sa akin.

Napayuko na lang ako “Pero kasi, Jeanna naiintindihan mo ako dahil ina ka rin.. Jeanna ayoko lang na mahirapan ang anak ko dahil sa mga nangyayari sayo” sabi nya. Tama, ito ang gusto nya ang hiwalayan ko si Amiel alam ko naman na doon mapupunta ang usapang ito eh.

 

Alam ko naman po iyon ma’am” sabi ko sa kanya “Hahayaan ko na alagaan ka ng anak ko, pero pag maayos ka na pakiusap iwanan mo na sya. Jeanna wala kang magandang naidulot sa anak ko” sabi nya sa akin napayuko ako at tumulo ang luha ko “susustentohan ni Vlad ang anak nyong dalawa kung gusto mo, pero sana kumbinsihin mo si Amiel na iwanan ka na” muli nyang saad sa akin

“Ma’am kasi po mahal ko si Amiel baka di ko kaya” sabi ko sa kanya.

‘Nagawa mo na dati, naging maayos na si Amiel nung iniwan mo sya pero ngayon.. Jeanna pag tinuloy mo to kasama ang anak ko mawawala ang lahat sa kanya, His dad was warning him to remove all the assets under Amiel’s name. Jeanna iniisip ko lang ang anak ko” sabi nya sa akin

“Mawawala ang lahat ng kay Amiel pag di mo sya iniwan” sabi nya sa akin “Pero ma’am baka magalit ulit sya sa akin” sabi ko sa kanya at tumulo ang luha ko. I promised him na di ako mag gigive up pero kasi buhay ni Amiel ang magbabago. He was risking his everything sa akin. Sa akin na walang ginawa kundi ang pahirapan sya.

Broken Soul [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon