dedicated to LeSorellePub
AMIEL's POV
"Di mo pa rin ba sya nakakalimutan?" tanong ni Francis sa akin habang umiinom ako dito sa lugar nya. Di ko sya sinagot sa halip tiningnan ko lang sya ng masama "Chill, tinatanong lang kita" sabi nya sa akin.
"It's been eight years pare.. ganon na katagal mula ng iwan ka nya, takasan sa nalalapit na kasal nyo" sabi nya ulit sa akin. Muling nanumbalik sa akin ang lahat, ang mga pagiyak ko sa tuwing hinahanap sya. Yung mga oras na pinangako nya na kaming dalawa lang habang buhay, yung di nya ako iiwan.
Pero ginago nya ako.
"Mahal mo pa rin ba sya?" tanong sa akin ni Francis, napangiti ako ng mapait "Mahal?" I asked him. Doon na sya napalunok "Okay fine! Di na ako magtatanong" sabi nya sa akin. Napasandal na lang ako sa upuan habang isa isang bumabalik ang lahat ng napagdaanan naming dalawa.
Maging ang sakit nung iniwan nya akong magisa na umaasang babalik sya.
"AMIEL!!!" napalingon ako ng marinig ko ang banayad nyang boses. Nakangiti sya at tumatakb papalapit sa akin. Agad nya akong yinakap ng mahigpit "Amiel.. Amiel.. mahal kita Amiel!" sabi nya sa akin, may tono ang boses nya dahilan matawa ako. Hinalikan ko sya sa ulo.
"ano bang ginagawa mo ha?" tanong ko sa kanya para kasi syang ewan na sumasayaw sa harap ko 'kinikilig ako sa kiss mo!" sabi nya sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya para matigil sya "Tama na, di na magandang tingnan" sagot ko sa kanya.
"Hala.. di maganda tingnan, paano ba yan pag mag asawa na tayo lagi na akong sasayaw ng ganito" nagkunot ang noo sa mga sinabi nya pero a part of me is natatawa kahit kasi hawak ko na ang kamay nya nagpapatuloy pa rin sya sa pagsayaw "bakit naman?" I asked her.
'alam ko kasi lagi na akong kikiligin pagkatapos nating ikasal" sabi nya sa akin. Hinila ko sya palapit sa akin at binigyan ng matamis na halik "Then mukhang lagi kitang mahahalikan pag ako naman kinikilig sayo" sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Broken Soul [ COMPLETED ]
RomanceRated SPG!! Yes, Rated SPG po ito! AHAHAHAHA "How can you hurt me like this Jeanna? How can you do this to me?" tanong nya sa akin iyan. Makalipas ang pitong taon ng pagiwan ko sa kanya, ito ang unang beses na kinausap nya ako mula noon ng ganito ka...