{ s o u l 4 }

14.7K 244 8
                                    

Updated na please do vote and comment okay?! sana po suportahan nyo ang broken soul! Maraming salamat! :3

---

“Ma’am Denise please hayaan nyo na akong Makita ang anak ko!” sabi ko kay Ma’am Denise. Nagmamakaawa na ako sa kanya, gusto ko na ulit Makita si henry pero ayaw nya akong pagbigyan.

“Di na kita pagbibigyan na makita ang anak mo Jeanna kasi anak ko na sya sa simula pa lang ng binigay mo sya sa akin. Anak ko na sya!” sabi nya sa akin at saka nya pabalyang inalis ang kamay ko na nagmamakaawa sa kanya.

Ma’am Denise, sige naman na po. Gusto ko lang po Makita ang anak ko” sabi ko sa kanya “HINDI NA! AYOKO NA! SAKA DI KO IPAGKAKATIWALA SI HENRY SA ISANG TULAD MO NA GANYAN LANG!” sabi nya sa akin at muli syang naglakad paalis.

“Sige na ma’am..” pagmamakaawa ko.

“aba’y makulit ka ha? GUARD! GUARD!” sigaw nya nakapukaw naman ito sa attention ng gwardya at mabilisan na naglakad paalis sa tabi ko.

“Ma’am Denise please naman, please wag naman pong ganito papayag ako sa mga kundisyon nyo please hayaan mo naman po akong Makita ang ana—“

“Ilabas yan nanggulo sa dito sa hospital!” sabi nya sa mga gwardya.

“Ma’am tara na—“

“Ma’am Denise nakikiusap ako!” umiyak na ako pero di sya nagpatinag at sa bandang huli nilabas din ako ng mga gwardya sa labas ng hospital

“Pasensya ka na miss, pero pasyente na mismo ang nagreklamo sayo” tanging saad lang nila sa akin “Wala naman akong ginagawa eh, pinapakiusapan ko lang naman sya kung pwede kong dalawin ang anak ko” sabi ko sa kanya habang umiiyak.

“Payagan nyo na ako pumasok ulit please?” pakiusap ko sa kanila para na akong nagdadasal sa harap nila para lang makiusap pero parang balewala lang “Pasensya na talaga Miss” sabi nila at muling bumalik sa outpost nila. Napaupo na lang ako sa labas ng hospital habang hinihintay na papasukin ulit ako, nagpalipas na ako ng gabi doon. Wala akong pakialam kung ano pang mangyari sa akin ang mahalaga, makuha ko ulit ang anak ko, Makita o mayakap man lang.

Yun lang naman ang hinihiling ko eh, gusto ko syang maalagan kasi may sakit sya, kasi hinahanap nya ako na mama nya kahit na pinamigay ko sya, gusto kong bumawi sa anak ko. Yun lang naman. Di ako aalis dito hanggang sa di nya ako pinapayagan na Makita ang anak ko.

“Miss, mag uumaga na, wala ka bang balak umalis?” tanong sa akin ng guard tumingin ako sa orasan at oo nga, alas kwatro na ng medaling araw, tumingin ako sa paligid at sa gwardya ulit “Hayaan nyo na lang ako pumasok” Pagmamakaawa ko sa kanya.

“Pinagbilin ni Mrs. Ong na wag kang papasukin” sabi ng gwardya at muling bumalik sa pwesto nya “Manong guard please, maghihintay ako, maghihintay ako sabihin mo sa kanya maghihintay ako hanggang sa gustuhin na nyang makipagusap sa akin. Di ako aalis” sabi ko sa gwardya.

Broken Soul [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon