{ s o u l 8 }

14.8K 244 24
                                    

Updated na po ang Broken Soul please do vote and comment. I Need reactions

--

Chapter 8

“Magbihis ka, may pupuntahan tayo” sabi sa akin ni Amiel, tinapon nya ang damit sa harap ko ‘Saan tayo pupunta?” tanong ko sakanya. Di ako makatingin sa mga mata nya “sa labas, we will meet kuya Vlad” sabi nya sa akin.

Napasinghap ako ng marinig ko ang pangalan nya.

Vlad?

“Ano? Di ka pa ba tatayo dyan?!” sigaw nya sa akin. Binalot ko ang sarili ko sa kumot at tumayo ako papunta sa CR. Si Vlad? Bakit kami makikipagkita sa kanya? Naligo na ako at nagbihis paglabas ko nakita ko sya naglalagay ng relos nya ‘bakit—bakit tayo makikipagkita kay Kuya Vlad?” sabi ko sa kanya.

Lumapit sya sa akin pero umatras lang ako sa kanya “he wants to meet you again, sinabi ko kasi sa kanya na we got married” sabi nya sa akin. Napalunok ako “Pwede bang wag na lang ako sumama?” tanong ko sa kanya’

“bakit nahihiya ka?” He asked me again. Umiling ako sa kanya “Hindi kasi.. masama talaga ang pakiramdam ko, baka pwedeng dito na lang ako” sabi ko sa kanya habang nakayuko “bakit di ka tumitingin sa akin pag naguusap tayo? Nasa sahig ba ang mukha ko?” tanong nya sa akin.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko na naman ang makisig nyang mukha “kung ayaw mong pumunta edi, wag dito na lang din ako pero sa susunod sasama ka na” sabi nya sa akin. Ngumiti ako ng maliit sa sinabi nya sa akin ‘magluto ka ng tanghalian nagugutom ako” sabi nya sa akin at saka nya hinubad muli ang polo nya, Agad naman akong bumaba at pinagluto sya. Nakangiti ako habang ginagawa iyon.

Ewan ko ba? Pero parang kahit papaano masaya ako na napagbigyan nya ako. Nang matapos kong magluto sinilip ko sya na nanonood ng TV napangiti ako, dati sinusugod ko pa sya kasi ayaw bitawan ang remote “Amiel, kakain na” aya ko sa kanya. Tumingin sya sa akin biglang nagbago ang mukha nya ng Makita akong nakangiti.

Agad kong binura iyon sa labi ko at umiwas ng tingin sa kanya “Kakain na” sabi ko sa kanya tumayo naman sya at dumiretso sa lamesa. Umupo na sya at ganoon din ang ginawa ko. Hinintay ko sya na magsimula bago ako, gusto kong malaman kung ano ang reaksyon nya. Sa matagal kasi na nagsasama kami di pa sya kumain o ano man dito.

Umuuwi lang sya pag gusto nya akong ganunin o kaya gusto nyang saktan ako.

“sabi ng DSWD pwede na nating mauwi pansamantala si Henry for three weeks” sabi nya sa akin napatingin ako sa kanya at saka ako napangiti ‘talaga? Makakasama ko na yung anak ko?” tanong ko sa kanya “Don’t be too happy, evaluation pa lang ang gagawin sayo, titingnan nila kung maayos ka ba” sabi nya sa akin. “They also gave a chance na malabas ang bata before the evaluation” napangiti na lang ako sa kanya

“Salamat Amiel ha? Salamat” sabi ko sa kanya at tumulo ang luha ko yung katotohanan na malapit ko ng makasama ang anak ko ay ang pumawi ng sakit na nararamdaman ko sa pinagagawa ni Amiel sa akin “you have nothing to be thankful about” sagot nya sa akin at saka sya muling sumubo sa pagkain

Broken Soul [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon