Chapter 5
Nasa labas ako ng kwarto ng anak ko, sinisilip lang sya di kasi ako makapasok dito dahil may bantay na nagsasabing bawal ako makapasok. Nakita ko na nahihimbing sya habang may tubo na parang tumtulong sa kanya.
Ganon ba kalala ang anak ko?
May usok usok pa ito. Hanggang silip at iyak na lang ang nagagawa ko. Papayag ba ako ng ganito? Yung tuluyan na lang mawala sa akin ang anak ko kasi di ko sya maalagaan, di ko kaya na isugod sya sa ganitong kagandang hospital at mapagamot.
Kasalanan ko naman kasi ito..
Sana di na lang ako gaanong nagpaapekto sa mga nangyari sa akin dati. Siguro di mangyayari to sa aking anak. Dahil sa nadischarge na rin ako at nabayaran ni Ma’am Vina ang naging stay ko sa hospital umuwi na rin ako matapos.
Nagiisip ng ibang paraan, wala naman na kasi akong abilidad kundi ang magmakaawa sa DSWD para makuha ang anak ko. Lumipas ang ilan pang mga araw at linggo, nakalabas na ng tuluyan ang anak ko sa hospital ngunit madalas pa rin syang pabalik balik doon.
Paulit ulit na pagtataboy din ginagawa sa akin ni Ma’am Denise. Ngayon hinihintay ko na maguwian ang anak ko galing sa school nya andito ako sa labas. Mamaya maya pa naglabasan na ang mga bata kumpol kumpol sila agad na hinanap ng mata ko si Henry at nakita ko naman sya “Henry!” sigaw ko.
Lumingon ang bata at agad na ngumiti ‘MAMA!” sabi nya sa akin. Tumakbo takbo sya at sinalubong ko naman ang bata. Mahigpit na yakap ang binitawan ko sa kanya “Mama, bakit ang tagal mong di nagpakita, namiss kita!” sabi nya sa akin.
“baby.. sorry ha? Kasi ayaw nilang magkita tayo eh” sabi ko sa kanya “Mama, kunin mo na lang ako kay Mommy Denise, ayoko na sa kanya mas gusto ko sayo mama” sabi nya sa akin. Mas tumulo ang luha ko sa mga narinig ko galing sa kanya “baby pasensya na ha? Wala kasing ability ang mama na kunin ka eh”sabi nya sa akin.
“ mama, ginagawa mo naman lahat diba? Diba di ka na galit sa akin? Gusto mo na akong makasama diba?” Tanong nya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kanya “Oo gusto ko na, mayron ng naiisip na paraaan ang mama ha? Maghintay ka lang” sabi ko sa kanya.
“How long do I Have to wait Mama?” Tanong sa akin ng bata. Napaisip ako, gaano pa nga ba katagal? Parang habambuhay ata syang maghihintay. Di ko alam kung kaya kong iangat ang buhay ko “Di alam ni mama eh, di nya alam” sagot ko sa kanya.
“Mama, I will not wait for nothing diba po?” tanong nya sa akin. Umiiyak na rin sya, pinunasan ko ang luha nya ‘Yes baby, di ka maghihintay sa wala” sagot ko sa kanya. “Henry!” agad akong nagtago para di ako Makita ni Ma’am Denise kung sakali. Sa boses na ganon halata na sya ang dumating.
Napaiyak na lang ako habang nagtatago sa isang pader Mama, I will not wait for nothing diba po? Ano na bang gagawin ko? Naalala ko ang sinabi ni AMiel, kaya nyang bawiin ang anak ko, pero hindi! Papahirapan nya ako! Natatakot ako na masakama sya but Jeanna wala ka ng ibang paraan.
BINABASA MO ANG
Broken Soul [ COMPLETED ]
RomanceRated SPG!! Yes, Rated SPG po ito! AHAHAHAHA "How can you hurt me like this Jeanna? How can you do this to me?" tanong nya sa akin iyan. Makalipas ang pitong taon ng pagiwan ko sa kanya, ito ang unang beses na kinausap nya ako mula noon ng ganito ka...