This is the EPILOGUE GUYS! Pwede po bang humingi ng final overall reaction nyo ukol sa story! yun lang po! Ajujujuju XDD napansin ko parang ang OA ni Amiel nung mga First chapters! AHAHAHA anyways hot naman sya! Ahihihihihi XDDDD
--
EPILOGUE
7 Years Later….
AMIEL’s POV
“Dad” masiglang tawag sa akin ni Henry naghahanda kami ngayon papunta kay Jeanna, It’s been 7 years since it all happened. Masyado na palang matagal na panahon ang lumipas, napangiti na lang ako ng tumingin kay Henry he’s all grown up. Masasabi kong kahawig nya talaga ang kuya Vlad ko.
He got this smile that my brother have, with his adoption, it took me three years para makuha sya, di ko naman sya pinagbawalan na makipagkita kay Doc. Arthur and Denise, kumbaga para lang syang nagkaroon ng tatlong daddy at dalawang mama. At di naman sya nahirapan doon, he liked that set up para may kakampi daw sya sa lahat ng oras. “Are you ready?” I asked him tumango naman sya sa akin at kinuha ang PSP nya “bawal yan doon” sabi ko sa kanya.
“Hmm.. I want to bring it Dad” sabi nya sa akin ngumiti na lang ako sa kanya “Alam mo naman yung lugar na pupuntahan natin” sabi ko sa kanya.
“Okay, I will leave this at the car” sabi nya sa akin. Ginulo ko na lang ang buhok ng bata at saka kami pumasok ng sasakyan. Pitong taon, sobrang tagal nun kung tutuusin sa isang tulad ko na bilis na mawalan ng pag asa di ko alam kung saan ako kumapit para makapaghintay pa.
Naghintay na ako sa wala?
Sa Tingin ko hindi kasi ang hinintay ko ay ang taong pinakamamahal ko, sa lahat ng nagawa ko sa kanya, sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa. Pakiramdam ko kulang pa ang naging paghihirap ko sa paghahantay sa kanya.
Alam ko na di mabubura basta basta ang mga nagawa ko sa kanya, ang mga kasalanan ko pero alam ko na kaya iyong pantayan ng pagmamahal ko para sa kanya.
Corny ba?
“Daddy! Daddy! Lets’ buy flowers muna!” sabi naman sa akin ni Henry napatingin ako sa daan at marami ngang nagtitinda ng flowers doon “Go on.. choose the one that we will bring” sabi ko sa kanya bumaba naman ito at bumili ng bulaklak.
“Dad.. pwede na bang talaga umuwi si Mama?” tanong nya sa akin tumingin ako sa kanya “Oo naman, kaya nga tayo pupunta diba? Susunduin na natin ang Mama mo” sabi ko sa kanya at nagpatuloy ako sa pagmamaneho.
Mga isang oras din bago namin narating ang destinasyon namin “Pero bago sya umuwi, may kelangan kaming gawin” sabi ko kay Henry bago kami bumaba pagdating namin sa lugar nakita ko na andoon sila Francis at Vina na naghihintay.
BINABASA MO ANG
Broken Soul [ COMPLETED ]
RomanceRated SPG!! Yes, Rated SPG po ito! AHAHAHAHA "How can you hurt me like this Jeanna? How can you do this to me?" tanong nya sa akin iyan. Makalipas ang pitong taon ng pagiwan ko sa kanya, ito ang unang beses na kinausap nya ako mula noon ng ganito ka...