Hello! 40 Votes and 20 Comments to post the next Chapter malapit na ang judgement day for this story
--
Chapter 13
AMIEL’s POV
Hinawi ko ang buhok nya habang natutulog sya “Dati alam ko agad kung may tinatago ka, Now I am finding it hard to read you” mahina kong bulong sa kanya. She just kept on crying wala akong naintindihan sa gusto nyang sabihin sa akin. “Di ko tuloy alam kung kelangan mo ako o hindi” bulong ko ulit sa kanya.
Biglaan nyang minulat ang mga mata nya “Jeanna” tawag ko sa kanya. Dali dali syang bumaba nagulat naman ako sa naging action nya. Sinuot ko ang slippers ko at sinundan sya pababa nakita ko syang sinisigawan ang telepono “TIGILAN MO NA LANG KASI AKO!” sigaw nya at saka nya pinukpok ang handset.
Kahit na gulat ako agad ko iyong inigaw sa kanya “Ayoko nya ako tigilan, ginawa ko naman gusto nya eh!” sabi nya sa akin “Jeanna, Jeanna.. listen walang umaaway sayo okay? Diba cut ang line ng phone wala kang kausap” sabi ko sa kanya.
“HINDI! TUMAWAG SYA SABI NYA—SABI NYA SASAKTAN NYA AKO ULIT!”sigaw nya sa akin at pinipilit nyang agawin ang linya ng telepono sa kanya “Jeanna” tawag ko sa kanya. She is crying hard right now. Di ko alam ang gagawin ko “Tito, anong nangyayari kay Mommy?” Napalingon ako kay Henry na nakita pala ang ginagawa ng Mommy nya.
“Henry, go back upstairs” sabi ko sa kanya “Ano pong nangyayari kay Mommy?” He asked again “Pumasok ka na lang sa kwarto okay?” pagpupumilit ko ginawa naman ito ng bata na tumakbo papasok sa kwarto nya “Diba di ka naman papayag diba? Di ka naman papayag na saktan nya ako ulit diba?” tanong nya sa akin pinunasan ko ang luha sa mata nya ‘Oo, di ako papayag okay? Wag ka ng umiyak ha? Walang tumawag sayo okay? Nanaginip ka lang” sabi ko sa kanya.
Baka naman kasi nag sleep walk sya “Kukunin nya baby ko, sinira na nga nya buhay ko eh, pati pa ba baby ko kukunin nya” sabi nya sa akin “Walang kukuha ng kahit ano sayo okay? I am here, diba sabi ko I’ll protect you” sabi ko sa kanya. Dahan dahan syang tumango sa akin. Di nagtagal tumahan na rin sya pero nanatili lang sya na tulala.
Habang nakatingin sya sa malayo napaisip ako ng malalim, Jeanna ano bang nangyari sayo? Why are you acting like this? Kinuha ko ang cellphone ko at dali daling tinawagan si Doc. Arthur mabuti naman at sinagot nya agad at sinabing pupuntahan nya agad si Jeanna.
Lumipasn ang isang oras ay dumating na sya “How long is she acting weird?” tanong nya sa akin “Mas lalo syang naging weird nung makabalik kami galing sa check up, umiinom naman sya ng gamot pero parang lagi syang takot, and yun nga kanina, pinipilit nyang may tumawag sa phone kahit wala namang line yung telephone namin” sabi ko sa kanya.
He sighed at me “I never thought na babalik pa, she used to be okay. May nagawa ka ba na pwedeng makatrigger nito?” He asked me. Nagkunot ko “She used to? What do you mean? Matagal na syang ganito?” I asked him at tumingin ako kay Jeanna, na kumakanta sa gilid habang nilalaro ang kurtina. Awa ang nararamdaman ko, at the same time inis kasi wala akong alam. Di ko maintindihan kung bakit sya nagkakaganyan.
BINABASA MO ANG
Broken Soul [ COMPLETED ]
RomanceRated SPG!! Yes, Rated SPG po ito! AHAHAHAHA "How can you hurt me like this Jeanna? How can you do this to me?" tanong nya sa akin iyan. Makalipas ang pitong taon ng pagiwan ko sa kanya, ito ang unang beses na kinausap nya ako mula noon ng ganito ka...