{ s o u l 1 5 }

12.7K 215 21
                                    

Updatd na po! AKO MISMO DI SUMUSUNOD SA QUOTA KO! AHAHAHA SEMBREAK EH SARAP MAG UPDATE!! AHAHAHA

--

AMIEL’s POV

 

Andito lang kami sa loob ng sasakyan ngayon, Tinititigan ko lang sya habang nahihimbing. Di ko mapigilan ang sisihin ang sarili ko, pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Pakiramdam ko napakamanhid ko at nagalit ako agad sa kanya dati.

Sobrang nagsisisi ako sa mga nagawa ko. Parang gusto kong suntukin ang sarili ko sa pangagago na ginawa ko nun kay Jeanna. Nahihiya ako sa kanya, pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

“ACHOOO!!” bigla akong binahing. Nagkasipon pa ata ako, kinuha ko ang isa pang kumot sa likod ng sasakyan at kinumot kay Jeanna. Mahirap na baka magkasakit din sya. Hinawakan ko ang mukha nya “sorry…”

“ACHOO!!” bumahing muli ako dahil para magising sya. “Hala? Nagkasakit ka na ata” bungad nya sa akin at kumuha sya ng tissue “I am okay, sipon lang to” sagot ko sa kanya “Bakit kasi sa akin mo binalot lahat ng kumot, umuwi na nga tayo para makapag bihis ka” sabi nya sa akin. Muli akong bumahing “tingnan mo naku! Pag nagkasakit ka” panermon nya sa akin.

“ayos lang ako, sige tara umuwi na tayo” sabi ko sa kanya at nagsimula na akong magneho pauwi, nakatingin lang sya sa may bintana. Hinawakan ko ang kamay nya dahilan para mapatingin sya sa akin “Sorry” Muli kong sabi sa kanya. Nakokonsensya ako pag naalala ko, kahit wala akong kasalanan pakiramdam ko ang pagiging masyado kong kumpante na magisa lang sya noon ang naging dahilan kung bakit sya napahamak.

“Wag kang mag sorry sa akin” sagot nya sa akin “Wala kang kasalanan, ako ang naging pabaya, makasarili sa atin. Ako ang may problema at di ikaw, wag mo ng problemahin kung ano mang nangyari sa akin. Gusto ko.. gusto ko na lang kalimutan ang lahat” sagot  nya muli sa akin.

“Di mo ba talaga naalala ang mukha nila, Jeanna, pwede nating silang ipakulong” sabi ko  sa kanya. Napapikit na lang sya at humawak sa ulo nya “ayoko na please” Mahina nyang bulong sa akin at nagsimula na namang tumulo ang luha nya.

Pasado alas dose na ng gabi ng makarating kami sa bahay, tulog na tulog sya sa byahe kaya binihisan ko na lang sya ng damit at di na inabala pa. Kinabukasan, mas maaga akong nagising sa kanya. But I didn’t move.. I just kept staring at her. Minsan umiiyak sya habang nakapikit minsan naman parang nanaginip ng masama, gigising sya ng saglit pero babalik sa pagtulog nya.

Kung tutuusin sobrang laki ng pinagbago nya, mula sa dating sobrang masayahin na Jeanna, naging malungkutin at mahiyain ito. At natatakot akong aminin na pakiramdam ko nawala na ang babaeng minahal ko. Di nagtagal gumising na din sya, bahagya syang ngumiti “Bakit andito ka pa? Diba may trabaho ka?’ tanong nya sa akin.

Umiling ako sa kanya “babatayan kita mula ngayon, hanggang sa di ka pa gumagaling babantayan kita” sabi ko sa kanya. Umupo sya “Ano bang sinasabi mo?” tanong nya sa akin. Umupo na rin ako “ayokong maulit ang nangyari sayo dati, baka ako na ang mabaliw kung maulit pa yun at di kita mapagtanggol kaya babantayan kita… dito lang ako sa tabi mo” sabi ko sa kanya bahagya syang ngumiti.

Broken Soul [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon