{ s o u l 16 }

11.7K 217 20
                                    

Updated na po! 40 Votes and 20 Comments to post the next Chapter.. hanggang 22 Chapters lang po pala ito! Maraming Salamat!

--

Chapter 16

JEANNA’s POV

“Mrs. Jeanna Villaflor” Napahigpit ang hawak sa akin ni Amiel ng marinig namin ang boses ng nurse na tinawag na ako. Humarap ako sa kanya “you can do it, kung di mo kaya sabihin.. Don’t force yourself. I am willing to wait. As long as it won’t compromise your condition” sabi nya sa akin tumango na lang ako sa kanya.

Pumasok ako sa loob ng clinic ni Doc. Arthur “Hi, Jeanna.. How do you feel?” He asked me. “Maayos naman po” sabi ko sa kanya. He sighed “Sabi sa akin ni Amiel, nasabi mo na daw sa kanya yung parte ng nangyari sayo, how do you feel?” He asked me.

‘Takot, takot pa rin ako” sabi ko sa kanya. “but diba, he assured you that he will not leave you.. bakit ka natatakot?” He asked me. Umiling ako sa kanya, “Di ko alam.. natatakot ako sa mga tao sa paligid nya, lahat sila.. lahat sila ayaw sa akin” sabi ko sa kanya. Ang Mama nya, papa nya ang Kuya Vlad nya.. Lahat sila ayaw talaga sa akin.

“Paano kung lumabas talaga ang totoo? Doc. Di ko kaya aminin sa kanya kung ano ang talagang nangyari. Paano kung mawala sa kanya ang lahat? Bakit kasi di na lang pwede na kalimutan ang lahat?” tanong ko sa kanya.

“Tumatakas ka naman, sa tingin mo gagaling ka kung ganyan?” He asked me.

Napailing ako sa kanya “alam mo naman pala eh.. alam ko di madali, alam ko na nahihirapan ka,di kita minamadali pero di ibig sabihin nun tatakasan mo” sabi nya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya “Do you have attacks this past few days?” tanong nya sa akin.

“Wala naman” Sagot ko sa kanya.

“Opening up to Amiel is a big help” sabi nya sa akin at saka ngumiti “teka doc? Yung kay Henry, makakaapekto ba tong pagbalik ng sakit ko sa pagkuha sa kanya?” tanong ko sa kanya.

“Oo, I am afraid it will, di ko kontrolado ang utak ni Denise, masyado syang possessive pagdating kay Henry, baka gamitin nya ang sakit mo para di mo makuha ang bata” sabi nya sa akin. “I can’t lie with your records, kahit na gusto ko na mabawi mo rin ang anak mo, Jeanna.. concern ako sayo pero mahal ko rin si Henry, anak na talaga ang turing namin sa kanya ni Denise.. Kaya sana maintindihan mo ang pinanggagalingan ng asawa ko” sabi nya sa akin.

Tumango na lang ako ulit sa kanya “you can go out, I want to talk to Amiel.. call him magrelax ka muna sa labas” sabi nya sa akin. Muli na lang ako na tumango sa kanya paglabas ko nakita ko si Amiel na naghihintay “Gusto kang makausap ni—ni Doc. Arthur” sabi ko sa kanya. Kasabay nun ay ang pagtayo nya “I’ll go in, wait me here” sabi nya sa akin.

Naupo na lang ako sa waiting area habang hinihintay ang paglabas niya. Matagal sya bago lumabas pag labas nya ng kwarto. Nakita kong napabuntong hininga na lang sya “anong nangyari?” tanong ko sa kanya “Kinausap nya ako tungkol kay Henry” simpleng sagot nya sa akin  “but don’t worry, we’ll get your son” dagdag pa nya sa akin.

Broken Soul [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon