{ s o u l 1 2 }

12.6K 241 29
                                    

Updated na po ang Broken Souls. Ahahaha 40 Votes and 25 Comments to post the next Chapter. DI lang ako nakatiis ngayon kasi sure ako buong araw akong tulog bukas.

Welcome! Sem Break!

--

Chapter 12

“MAMA! MAMA! SAAN KAYO PUPUNTA NI TITO HA?!” tanong sa akin ni Henry, kasi ngayon na namin imemeet ang kuya nya. Kahit na anong sabi ko sa kanya na ayaw ko, mapilit si Amiel na puntahan ang kuya nya. Gusto nya akong isama, pinagtataka nya kung bakit ayaw ko kasi dati naman daw nung kami pa malapit kami ng kuya nya. “SAMA AKO MAMA!” sabi nya sa akin.

“Hindi ka pwedeng sumama Henry” sabi ko sa kanya at saka ko tinuloy ang pagpapaplantsa ng damit na isusuot ni Amiel “Bakit di ako pwedeng sumama Mama? Gusto ko makita ang Kuya ni Tito Amiel” sabi nya sa akin.

“Henry pag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede..” sagot ko sa bata. Nagpout na lang ito at saka lumabas ng kwarto dala ang toy car nya. Mamaya pumasok sya muli at dala na nya si Amiel “Tito Amiel, sabihin mo kay Mama sama na ako sa inyo!” sabi nya kay Amiel.

Tumingin ito sa akin, kaya agad naman akong umiwas “Guston ng bata sumama, isama na lang kaya natin” sabi nya sa akin. Nangamba ako, napahigpit ako ng hawak sa plantsa ‘Hindi, dapat nasa bahay lang si Henry” sabi ko sa kanya. Binitawan ko ang plantsa at lumapit sa bata at saka kinuha to ‘Mama, gusto ko pong sumama” sabi nya sa akin.

“bakit ba ang kulit mo? Pag sabi kong di ka sasama! Di ka sasa—“

“Jeanna!” tawag sa akin ni Amiel. Napatingin ako sa kanya at narinig ko ang hikbi ng bata napahigpit pala ang hawak ko sa kanya “Sorry, kasi ang kulit mo eh” sabi ko sa bata at nilapag ko sya pinunasan ko ang mga mata nito ‘Gusto ko lang sumama mama” sabi nya sa akin at yumakap.

“Why don’t you want Henry to join? Wala namang maiiwan sa bata dito sa bahay” sabi nya sa akin. Hindi, baka kunin nila si Henry sa akin pag sumama ito. Baka mawala ang anak ko, tapos baka malaman ni Amiel ang totoong nangyari sa akin “Di sasama ang anak ko, ayoko” sabi ko sa kanya at mas humigpit ang yakap ko sa bata. Bigla akong naiyak “Dito lang ang anak ko” sabi ko sa kanya.

“Jeanna, ano bang nangyayari sayo?”

“Mama, wag ka ng cry di na ako sasama mama, please!” narinig kong bulong ng anak ko “Kukunin ka nila sa akin eh” bulong ko muli “No one will get your son Jeanna, he is under our custody” sabi ni Amiel pero mahigpit pa rin ang yakap ko sa bata “Mama.. I can’t breathe na” sabi nya sa akin.

“HINDI!” sigaw ko “Jeanna, di na makahinga ang bata” sabi sa akin ni Amiel pero mahigpit pa rin ang hawak “Di ka nila pwedeng makuha sa akin baby, Hindi..” bulong ko muli. May humawak sa kamay ko at pilit na inaagaw si Henry sa akin “Jeanna.. Bitawan mo na ang bata” sabi ni Amiel.

“MAMA!! MAMA!!!” tawag nya sa akin. Parang ang boses lang ng anak ko ang nadidinig ko. Di nila pwedeng makuha ang anak ko, Di nya pwedeng malaman ang totoo. Mas lumakas ang iyak ko “What’s happening to you Jeanna?” tanong sa akin ni Amiel.

Broken Soul [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon