{ s o u l 1 8 }

11.2K 226 20
                                    

 40 votes and 20 comments! :3 :3

AMIEL’s POV

Lumipas ang dalawa pang araw at nagsimula na ang treatment ni Jeanna, kinakausap sya ni Doc. Arthur ngayon. Para syang nasa interrogation room at naririnig ko ang pinaguusapan nila, baka daw kasi may sabihin ito na di ko pa nalalaman. Isang oras na sila nasa loob pero di man lang sumasagot ni Jeanna, nakatulala lang sya at minsan iiyak.

“Jeanna, alam mo naman na makakapagkatiwalaan mo ako diba? Tell me, bakit mo ulit sinaktan ang sarili mo?” tanong ni Doc. Arthur sa kanya. Di pa rin ito sumagot sa halip masamang tingin ang binigay nito “Jeanna, you need to tell it to me para gumaling ka diba gusto mong gumaling?” tanong muli nito.

“Diba gusto mong mabawi ang anak mo” sabi nya ulit dito “Anak ng demonyo yun” bulong nya sa doctor at umiwas ng tingin dito “Jeanna” tawag muli sa kanya ng doctor, napilitan silang iend ang session dahil din sa response nito. Muli nila syang binalik sa kwarto “pwede ko bas yang mapuntahan?” tanong ko sa doctor nya.

“Oo naman, pero saglit lang.. kelangan nyang uminom ng gamot at magpahinga, stressful sa utak nya ang treatment kahit parang walang nangyari” sabi nya sa akin tumango na lang ako at pumasok sa loob nakita ko syang nakatingin sa bintana, lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya “Jeanna” tawag ko sa kanya, di sya sumagot.

 “Magpagaling ka na ha? Pag magaling ka na, ipapakulong natin ang kuya.. Wala akong pakialam kung kapatid ko sya ang mahalaga magbayad sya sa ginawa nya sayo” sabi ko sa kanya hinawakan ko ang kamay nya “kaya gawin mo ang lahat para gumaling ha?” I asked her.

“Gumaling ka kasi may baby na tayo, para maalagaan mo sya pati si Henry” sabi ko ulit sa kanya “Jeanna, mahal na mahal kita.. kahit na ganito ang sitwasyon mo sobrang mahal pa rin kita, sorry kung lagi akong huli..” bulong ko sa kanya at hinalikan ko ang noo nya.

“Pag magaling ka na, pwede ka ng dalawin ni Henry” dagdag ko sa kanya. Pero nahiga lang sya at nanatiling nakatingin sa malayo “Jeanna gusto mo yun diba?” I asked her again niyakap ko sya pero bahagya nya akong tinulak palayo “ayoko sayo” sabi nya sa akin at nangingiyak iyak na naman sya.

“Natatakot ka ba?” tanong ko sa kanya. Tumango sya sa akin at nagtago sa pagitan ng hita nya ‘Jeanna, tingin ka sa akin” sabi ko sa kanya at hinawi ko ang buhok nya nakita ko syang sumilip sa akin “Halimaw ka, halimaw kayong lahat” sabi nya sa akin. Pinipigilan ko ang maluha, pakiramdam ko nanghihina ako “Jeanna, di mo ba ako nakikilala?” tanong ko sa kanya muli umiling sya “Gusto ko ng umalis, paalisin nyo na ako magagalit na si Amiel” sabi nya muli sa akin.

Niyakap ko sya ng mahigpit at mas lumakas ang iyak nya “Di naman ako magagalit sayo eh, magpagaling ka lang, Jeanna please stop acting like this” sabi ko sa kanya

 Iniwan ko na sya matapos nun para makapagpahinga sya, kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. Ngayon ang dating ng Kuya galing Hongkong magkakaalaman na. Gusto kong malaman kung bakit nya iyon nagawa kay Jeanna, anong masamang nagawa nito sa kanya at ginanon nya ito.

Di ko kasi lubos maisip na siya ang gagawa nun. He knew how hard I fought for Jeanna before, para matanggap ng parents ko ang tungkol sa aming dalawa, ang balak namin na pagpapakasal then malalaman ko na tinarantado nya si Jeanna. Narating ko ang harap ng bahay, dali dali akong pumasok sa loob.

Broken Soul [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon