Wala na akong pakialam kung anong itsura ko. Wala akong pakialam kung ano man yung iisipin ng mga taong nakakakita sa akin dito sa loob ng food court. Wala rin akong oras para punasan yung sunud-sunod na pagbagsak ng mga luha ko.
Ano pa ba yung isang beses pang magpakatanga? Kumbaga sa basketball, do or die na 'to. Wala ng rematch. Wala na akong huling alas. Kaya itataya ko na lahat, sugal kung sugal.
Mas kumirot yung dibdib ko. Alas onse pasado na.
Wala pa rin siya.
Naghihintay pa rin ako sa wala.
Ayokong umalis.
Alam ko, pupunta siya. Alam kong mahal niya pa ako. Kahit konti, alam kong andun pa rin ako sa puso niya.
Marami akong problema Ji. Please wag ka ng sumabay. Lalo mo lang akong pinapahirapan. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Palamig muna tayo, tama na muna please.
Nanginginig yung mga kamay ko habang binabasa yung reply niya. I asked him to meet me. Para mag-usap kami. Hindi yung ganito na magkaklase kami pero nag-iiwasan kami sa loob ng classroom. Ang hirap. Para lang akong hangin na nararamdaman niya pero hindi niya nakikita. Ni ayaw niya akong tapunan ng tingin. Kaya ako na ang gumagawa ng paraan para mag-usap kami. Gusto kong magkaayos kami. Ayokong mawala yung 'kami'.
Ang sakit sakit lang kasi. One day he's fucking me, the next day, wala na.
Ganon lang ba ako kadaling iwanan?
Ganon lang ba ako kadaling bitawan?Six months, puta six months pero nahulog na ako ng todo. I gave myself to him. Siya yung una sa lahat.
I was about to type something. Pero kailangan ko munang kumalma. Kasi baka magkamali ako ng salitang bibitawan. Baka mas lalo ko lang pasakitin yung sitwasyon.
Sunud-sunod na mabibigat na paghinga ang pinakawalan ko. Pero wala talaga, tangina naiiyak pa din ako.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko at pag-angat ko ng tingin, I saw those eyes. Nag-aapoy sa galit.
Umupo siya sa harap ko.
Tiningnan niya bawat detalye ng mukha ko saka siya umirap.Binuksan niya yung bag niya saka ako binato ng panyo.
"Punasan mo yung luha mo. Ayusin mo yang itsura mo bago tayo mag-usap."
Kalmado niyang sabi pero ramdam kong nanggagalaiti siya.
Kinuha ko yung panyo at saka pinunasan yung basang-basa kong mga mata. God, I was crying so hard kaya nararamdaman ko ng mabigat na yung mga mata ko.
Dahil natatakot ako sa kanya, nilabas ko na yung mini make-up kit ko at saka sinimulang ayusin yung itsura ko.
Maaga akong umalis sa bahay dahil pursigido talaga akong makausap si Oliver. Kaya naman hindi na ako nakapaglagay ng kolorete. Kahit cheek tint wala. Nakadagdag pa sa sobrang pagkaputla ko yung hindi ko pagtulog kagabi.
Paano ako makakatulog kung bawat pagpikit ng mata ko, bumabalik sakin yung masasaya naming alaala na unti-unti ng naglalaho? Paulit-ulit akong hinahabol ng mga masasakit niyang salita.
"Bilisan mo mag-ayos at huwag na huwag kang magtatangkang umiyak ulit."
Maotoridad niyang sabi.
Nagpahid lang ako ng liptint.
"I'm done." I replied.
Tiningnan ko din siya. Saka ko lang narealize na nakauniform na din siya. Magsisimula ang klase namin ng ala-una.
"Talk." Utos niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tinititigan niya lang ako. At nang mapagtanto niyang wala akong balak magsalita, napasabunot siya sa buhok niya.
"Sobrang tanga mo na ba talaga Ji? Look, alam kong mahal na mahal mo siya at botong-boto ako sa inyo pero pucha kung ganto lang din naman na pinapaiyak ka niya, wag na lang, diba??!"
Napayuko na lang ako. Nung nalaman niyang nag-uusap kami ni Oliv, siya yung unang kinabahan.
I have a small squad. Pito kami. At lahat sila, nung una ay ayaw kay Oliv kasi kilala siya bilang fuckboy. He had that kind of image.
"Bakit maaga kang pumasok?"
Pag-iiba ko ng usapan. But I failed, ready talaga siyang sermunan ako.
"Chinat ako ng kakilala ko sabi niya nakita ka daw niya dito na mag-isa at umiiyak. Siyempre hindi naman ako tulad ng gagong mong ex na hahayaan ka dito. I have a heart, Ji. Mahal kita."
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Coffee and Tears (ON-GOING)
RomanceWe were such a mess when we parted ways but wasn't it the best? #thewattys2019