CAT 16

39 10 2
                                    


Tinapos ko yung party ni Jolie kahit na halos wala na ako sa sarili magmula nang malaman ko yung masamang nangyari kay Oliver.

Magtatampo na talaga yun ng todo at baka tuluyan na akong hindi pansinin.

Uminom din ako ng konti para hindi masabihang kj. Pero parang halos lahat naman yata kami ay nawalan ng gana uminom. Mabagal ang ikot ng baso kaya nakatatlong bote lang kami, dalawang Lucifer at isang Cuervo na hindi gaanong naubos.

Dumiretso sa hospital sila Mona, Barbie at Apollo.

Gusto ko sanang magtanong kung pwedeng sumama, kaso narinig kong andun daw si Ely. Anong magiging silbi ko kung andun naman na yung babaeng yun?

Iniwasan ko na lang makisawsaw kahit na deep inside alalang-alala ako sa sinasabing saksak  ni Oliver sa tagiliran. Sana hindi malala, kasi kahit naman galit ako sa kanya, hindi pa rin maaalis yung care ko sa kanya.

Pagkauwi ko sa bahay, naabutan kong  nagkakape si Mikka.

Mukha siyang lutang at wala sa sarili.

Ni hindi niya din napansing umupo ako sa tabi niya.

"Mikka.."

I uttered but it looks like she didn't heard me.

Umilaw yung phone niya. Automatic na bumilis na naman yung tibok ng puso ko.

Oliver's name flashed on it's screen.

The heck. Ito na naman.
Napapraning na naman ako.

May inililihim ba sa akin si Mikka?

Pero bakit may Ely pa kung nagkakamabutihan na sila ni Mikka?

Naghintay ako na sagutin niya yung tawag. Ilang minuto ko siyang tinitingnan pero mukhang hindi siya aware sa mga nangyayari sa paligid niya.

Iwinasiwas ko sa tapat ng mukha niya yung cellphone niya.

At mukhang nakabalik siya sa huwisyo nang kunin niya ito sa kamay ko.

Inilagay ko yung likod ng mga palad ko sa baba ko at nagpanggap na hindi interesado sa pinag-uusapan nila.

God, when it comes to him, I'm always a curious cat!

Kating-kati na akong malaman kung bakit sila nag-uusap!

"Kamusta na si Alper?"

Napaawang yung labi ko sa narinig ko.

Natigilan ako sa pag-ooverthink ng kung anu-anong scenario.

I looked at her. She looked so stressed and tired.

Hinilot niya nang dahan-dahan yung pagitan ng dalawa niyang mata habang nakikinig ng mabuti sa sagot ni Oliver.

She is ..she's asking Oliver about Alper. Kaya ba sila may contact because Mikka's still concern about his half-brother?

Gaga ka kasi! Bakit mo ba naisip na baka nagkakamabutihan yung kapatid mo at ang failed kalandian mo?!

Sigaw ng konsensiya ko.

Hindi ako makapaniwalang sa sobrang kapraningan ko, pati si Mikka napag-isipan ko ng ganon! Grabeng pagseselos 'to.

"Ikaw kamusta yung saksak mo? Natahi na?"

Fuck. Bakit ba kasi hindi naka-loud speaker si Mikka para naririnig ko yung sinasabi ni Oliver??!

Coffee and Tears (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon