CAT 06

43 16 1
                                    

Lumipas ang ilang araw pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Parang tanga na bigla na lang nagfa-flashback sa isip ko yung panggagago niya at ang pagkikita namin ng girlfriend niya.

Hanggang ngayong naiinis pa rin ako. Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. Pinaglaruan niya ako.

Pakiramdam ko ginawa niya lang akong pampalipas ng oras, chinachat kapag di online yung jowa niya, kinakausap kapag sawa na siya dun sa isa. Jerk!!!

"Nay, wag ka ng sumimangot please? Sige ka papangit ka niyan."

Nakangiting sabi ni Vera. Nay ang tawag niya sakin kasi anak-anakan ko siya sa section namin. Very highschool diba na may family tree.

Nireretouch niya lang ako kasi magsisimula na yung play namin. Our play is about social issues such as drug addiction, human trafficking and press freedom. Reporter ang role ko samantalang bff ng bida ang role ni Vera.

Sobrang ganda niya sa ripped jeans at blue checkered long sleeve shirt na may sandong puti panloob.

I smiled at her.

"Nakakainis kasi. Parang tanga na may pa-throwback sa loob ng utak ko. Alam mo yun. Yung akala mo seryoso, yun pala paaasahin ka lang."

Sinara niya yung eyeshadow kit niya. Hinawakan niya yung mga kamay ko at saka pinisil.

"Alam mo nay, sobrang relate na relate ako dyan!"

Sabi niya sabay ngiti ng mapait.

Nakakalungkot din yung pinagdadaanan niya sa lovelife niya.
Crush na crush niya si Apollo, yung isa pang pogi sa section namin, tropa din ni Oliv, though, mild version si Polo.

Sobrang vocal ni Vera sa feelings niya kay Polo. And mukha namang may gusto din si Polo sa kanya kaya hindi ko maintindihan kung bakit parehas nilang tinitiis ang isa't isa. I mean, napakahirap bang sabihing mahal mo ang isang tao? Kaya siguro maraming failed landi, kasi kung kailan wala na sa tabi nila, saka nila marirealize na gusto pala nila. Sobrang complicated, ang lala lang.

"Kamusta na ba kayo ni Polo?"

Tanong ko gamit ang mahina kong boses.

"Nung nakaraan na bubuksan ni Barbie yung phone ni Apollo, nagulat kami kasi yung password ng phone niya, si Sabrina. As in SABRINA talaga. And inassume namin na there's something going on between them."

I saw pain in her eyes. Ramdam ko rin yung lungkot at paninibugho sa tono ng pananalita niya but she still managed to be calm.

"Alam ni Apollo na alam mo yung password niya?"

Umiling siya.

"Hindi. Nung una di talaga namin inakala. Hinuhulaan nga lang nila Doms at Barbie tapos biglang ganon."

Sobrang bait ni Vera, kaya maiintindihan ko kung maiinis siya kay Sabrina na ka-squad pa naman niya.

Napapansin ko rin yung mga tinginan at hiraman ng neck pillow nila Polo at Sabrina.

"Yung spoken poetry mo..."

Pinabasa niya iyon sa akin kagabi via pm sa messenger. Kaya pala, kaya pala ganun na lang yung kirot nung basahin ko yun. Kasi, kasi mula sa puso niya.

Narinig naming sumigaw na yung taga-kabilang grupo, which is grupo nila Alys, Doms, at Oliv...

Kami kasi ang unang presenter. Sinisigaw nilang andyan na daw si Ma'am.

Inalalayan ako ni Vera na tumayo dahil mag-uumpisa na kami.

"Hayaan mo nay, mag-uusap tayo ulit after ng play ha? Tapusin muna natin ito. Goodluck!"

Coffee and Tears (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon