CAT 29

17 0 0
                                    

It was past 9pm when I decided to went outside. Hindi ako makatulog sa bago kong kwarto. Nakakatawa kasi ang tagal-tagal ko ng kung saan-saan tumutuloy dahil sa trabaho ko, pero heto, namamahay pa din ang katawan ko.

I was really tired. It was a long day, gusto ko na talaga matulog para bukas, may energy ako sa pag-aayos ng mga school supplies na ipamimigay sa mga bata. Funny how time flies. Papasok na ang bagong dekada.

2020.

Yet, it feels like I'm still stuck in the year 2014.

I fished my keys from my pocket tapos nag-log muna ako sa guard house para ipaalam na lalabas ako saglit.

Hindi naman delikado yung location ng barracks namin, kaso nga lang, madilim and malawak na bukirin ang bawat paligid. Ang sabi, nasa dulo na daw kami, bandang pa-Candelaria ng Quezon province.

Minsan napapaisip na ako bakit ba ginagawa ko 'to sa sarili ko. Ang plano kasi talaga, magtuturo ako, pero hindi sa ganitong lugar. But who says things were always happened according to plan?

I love the thrills, I learned to love the excitement here.

Nahigit ko yung hininga ko nang makita kong nakasandal sa gilid ng sasakyan ko si Mark.

"Kabute ka ba? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot!"

He grinned. Damn it. Kahit na buwan lang ang tumatamang ilaw sa mukha niya, kita ko pa din kung paano tumawa yung mga mata niya sa reaksyon ko.

Tinapon niya ulit yung sigarilyo sa lupa saka ito tinapakan. Tapos mabilis niyang ibinalik yung tingin niya sa akin.

Pansin kong saglit na bumaba yung mata niya sa hita ko.

"Bakit? Nagulat ba kita?"

Itinikom ko yung bibig ko. Saka ko ginawa yung matagal ko ng minaster na poker face. Lalo na pag alam kong pinagtitripan ako ng kausap ko.

"Not really. Para ka kasing maligno dyan na nag-aabang ng kung ano."

I said then I crossed the distance between us. Bakit ba kasi sa kotse ko siya nakasandal samantalang nasa tapat lang naman yung kanya?!

Nararamdaman kong pinagmamasdan niya ako habang inaayos ko yung headrest ng driver's seat ng sasakyan ko.

"Aalis ka? Gabi na ah. Hindi ka ba aware na maraming nagpapakita sa daanan, lalo na kapag bagong salta pa lang?"

Awtomatikong napatigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya. Nakaekis yung mga braso niya akong pinakatitigan.

"Sorry ha, pero do you really think na tatablan ako sa sinabi mo?"

His mouth slightly opened.

Nung hindi siya makasagot, sumakay na ako saka binuhay yung makina. I need to go to market. Wala akong pang-hygiene. Ayokong humarap bukas sa mga co-teachers ko nang hindi magsisipilyo or naligo man lang.

Ako naman yung natigilan ng pumasok siya sa kabilang pintuan ng sasakyan ko.

"Are you kind of lunatic? Hindi ko alam kung bakit ba feeling close ka kung umasta sakin. Para kang di taga-Normal."

Puna ko na ikinataas ng kilay niya.

"You think na papayagan kitang umalis ng mag-isa? Hindi ba automatic na dapat samahan ng lalaki ang babae lalo na pag gabi na at bago lang siya sa lugar na pupuntahan niya?"

Parang biglang hinaplos yung puso ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"You can drive wherever you want to go, pero sasama ako. Ako yung pagagalitan ni Doc Diaz pag nalaman niyang hinayaan kitang mag-isa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Coffee and Tears (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon