CAT 20

30 4 3
                                    


I don't know if it's still normal to cry while eating. Nababaliw na nga yata ako.

Sinamahan ako ni Vera sa kusina nila Oliver para kumain. After ko maligo at makapagpalit ng damit, sinabi niyang dumating na daw ito at may dalang lechong manok. Kaya pala siya umalis ay para bilhan ako ng mauulam.

He's still soft-hearted. Ramdam ko yun. Kahit na sinigawan niya ako kanina, totoong nagmamalasakit pa din siya.

Pagkatapos kong kumain, tumambay muna ako dito kasama pa din si Vera dahil nagsisimula ng magshoot si Luna at yung mga lalaki sa veranda. Oliver was also there. I'm not yet ready to face him, not when my eyes were still swollen from crying.

Ayoko ng tension o drama. Ayokong asarin kami ng mga kaklase ko. I can't handle it. Baka sumabog na lang ako bigla. OA na kung OA pero hindi ko talaga kayang sagutin kapag tinanong ako kung bakit ako umiyak lalo na na yung taong dahilan ay nandito lang din, kasama namin.

I don't have a heart to answer it. Tama ng ako lang ang may alam ng kamiserablehan ko.

"Are you okay now?"

Vera asked. I saw how serious her face is nung tinanong niya 'yan. This girl, kaya mahal na mahal ko siya e. Bukod sa squad ko, siya yung laging andyan, sumasalo kapag nadadapa ako.

I mask a smile.

"Syempre hindi. His words are like hurricane. It was destructive. It hurts...a lot."

She reached for my hand and held it tighter.

"Pero anong magagawa ko? I need to be strong. I need to face the repercussions of my stupid decisions. I asked for this. I pushed him so hard. I didn't trust him enough."

Mabilis kong pinunasan yung butil ng luha na mariin na namang tumulo sa pisngi ko.

"Hindi ko alam yung buong istorya niyo, I was busy with my own delusions with Apollo. I can't give judgments. But I want to ask you,"

I met her gaze. She smiled a little bit, enough to comfort me.

"Do you still love him?"

I was caught off guard.

Mahal ko nga ba siya?
Mahal ko pa ba siya?
Minahal ko ba talaga siya?
O nagustuhan ko lang yung ideya na gusto niya ako?

My chest tightened. Nasasaktan ako nung lumayo siya, nasasaktan ako kapag iniisip kong may iba siya. Kung hindi pagmamahal ang tawag dito, ano ito?

Sabi ni Alys, hindi ka naman magseselos kung hindi ka nasasaktan. At hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal.

Dahan-dahan akong tumango.
Hinagod niya yung likod ko at pinainom ako ng tubig.

"Alam mo ba, ganyan din ako kay Apollo."

Ibinaba ko yung baso at siya naman yung pinakinggan ko.

Sabi nga nila sino-sino pa ba ang magdadamayan kung hindi ang mga pusong parehong sawi.

"I really really like him. Sobrang lapit niya lang sa 'kin pero bakit parang ang layo niya pa din."

I felt pain when she wiped her tears.

God, why do men keep on making us cry?

"Nagpaparamdam siya. Nagbibigay motibo siya na gusto niya din ako. But every time he make me feel so special, malalaman kong ginagawa niya rin pala yun sa iba. Na kung ano man yung mga sinasabi niya sa akin, sinasabi niya rin pala sa iba. Parang ewan lang 'di ba?"

Then another batch of tears fell on her cheeks. Sobrang bilis na ng bagsak nito. Namumula na rin yung ilong niya. Ako naman yung humagod sa likod niya at pinisil ko yung palad niya para maramdaman din niyang nandito lang ako para damayan siya.

Siguro kung nagmumura lang siya, narinig ko na siyang magsalita ng bad words.

"Ang gulo niya. Push and pull siya. He even said na itry daw namin. Tapos biglang sasabihin na natatakot daw siya. Pesteng commitment na yan. Wala naman akong pake dun. Gusto ko siya, gusto ko yung totoong nararamdaman niya. Is it too much to ask ba, Ji?"

For God's sake, ngayon niya lang ulit ako tinawag sa pangalan ko. Nay kasi yung endearment niya sa akin. First week of class niya lang ako tinawag na Ji. This felt so strange, this felt so wrong.

Because it only means that she's really serious right now. My heart broke for Vera. Palagi kasi siyang nakangiti. Tapos ganito na pala kabigat yung nararamdaman niya. Totoo pala talaga na kung sino pa yung masiyahin, sila yung dead inside.

"It's not too much to ask. Siguro, baka hindi lang para talaga sa atin."

Nasaktan ako nung sinabi ko yun.

"Ikaw kahit papaano totoong nagmamalasakit sa 'yo si Oliver. I heard you two, sorry. Pinapacheck kasi siya sa akin ni Luna kung parating na ba kayo. Tapos narinig ko yung sigaw niya. Hindi ko sinasadyang marinig yung usapan niyo."

I nodded. "Okay lang."

Muli akong nalungkot kasi naalala ko na naman kung gaano galit na galit sa akin si Oliver kanina nung sinisigawan niya ako. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya iyon sa akin, ng harapan.

Sobrang sakit lang.

"His words were rough, but I know, for sure, nadala lang siya ng emosyon niya. Hindi mo alam kung anong itsura niya nung tinawagan siya nung kapatid niya yata, kasi tinawag niyang kuya. He look so worried and at the same time, he look horrible. Para siyang mananapak. Yun ang unang beses na makita ko siyang ganoon kaseryoso. Nakakatakot."

Si Alper.

"It's crazy. Sobrang madaling-madali siyang umalis. He cares for you."

I want to shook my head. He only cares for my safety. Kasi kargo niya ako. Kasi hindi daw kakayanin ng konsensiya niya kung may nangyaring masama sa akin doon. Hanggang doon lang yun.

Napapunas ako ng luha nang makita kong papalapit sa amin si Oliver. Sobrang bilis namin ni Vera magtransform.

Pasimple ko siyang tiningnan habang may kinukuha siya sa ref. Naalala ko nung naghahanap siya ng gulay dati nung dinala niya ako dito tapos sobrang sarap na sarap ako sa pakbet niya.

It was merely just a memories.

Nahigit ko yung hininga ko nang dumako yung paningin niya kay Vera. Ni hindi man lang niya ako matapunan ng tingin.

"Vera, next scene na yung kukuhanan. Ayusan mo na daw si Eliza."

He said tapos kumuha siya ng tasa, mukhang magtitimpla siya ng kape.

Vera looked at me.

"Ah sige."

She said before she leave us. She mouthed me goodluck. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Ni hindi ko pa kasi nahuhugasan yung pinagkainan ko. Nagpatunaw pa kasi ako tapos nag-iyakan kami ni Vera. Ayan tuloy naabutan ako ni Oliver.

Nakatalikod naman siya sa mesa na kinapupuwestuhan ko pero naiilang pa din ako.

Tumayo ako at naglakad ng dahan-dahan hoping he wouldn't see me escaping. Mamaya ko na lang huhugasan yung pinagkainan ko.

Isang hakbang na lang sana para makalabas na ako sa kusina dahil may pinto sila dito at ang labas nito ay veranda na kung saan nandoon sila Luna. But I halted when he said,

"Uminom ka ng kape para mainitan yung sikmura mo. May gamot na din diyan katabi ng tasa. Inumin mo din para hindi ka magkasakit."

I turned around to look at him but he moved so quick na nakita ko na lang na dumaan siya papunta sa sala.

Ayoko sanang maniwala sa narinig ko pero nakita ko yung kape at capsule ng gamot sa ibabaw ng mesa.

My heart beats faster that I almost gasped for an air just to breathe.

TO BE CONTINUED

Coffee and Tears (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon