CAT 02

60 18 0
                                    

Maaga ako ng 15 minutes sa first class namin. Hassle talaga pag pm klase. Pagpapawisan ka sa byahe tipong pasukan pa lang, pang-uwian na yung amoy mo. Buti na lang libre aircon sa room. Nagtataka nga kami e, kapag plus section at college lang kasi ang may ac. Eh regular section lang kami. Swerte ata tawag dito.

Ginala ko yung paningin ko para hanapin kung nasaan yung mga babae ko. Yeah my girls, my squad. Originally, pito kami. Pero since pamilya turingan sa room, kaya naming sumama sa iba.

I saw Jolie na kinikilayan ni Luna. Sila ang super girly sa grupo. Katawagan naman ni Renz yung jowa niya, siya yung mag-aayos ng buhok ni Jolie mamaya since mahilig siyang mag-fish tail. Oh diba, libre parlor service ni gagang Jolie. Si Dane naman naka-earphone at tutok ang atensyon sa phone nya, malamang nanonood yan ng hiphop dance since interested ata siya sumali sa dance troupe. Pia is humming, yan ang legit singer sa amin. I mean, the other girls know how to sing pero iba kapag pro. Lastly, si Alys na kausap naman si Telic. Bookworm yan and favorite author niya si Jodi Picoult.

Sus, nagpapalakas na naman yan si Telic since crush na crush niya si Luna na baliw na baliw naman kay Rigel na tagakabilang room. Hay pag-ibig, ang gulo no? Gusto mo yung may gusto na.

Umupo ako sa tabi ni Alys since yun  ang best choice. May vacant seat sa likuran but I dropped the idea sincepuro lalaki ang nakaupo doon.  Halos tatlong buwan na rin kami, at makakaisang semester na kaya identified na ang bawat grupo. Ayoko naman pumuwesto sa likod since malabo na ang mata ko, hindi ako matututo. Saka nakakailang kasi malapit yun sa pwesto ni Oliver, yung lider ng mga lalaki sa room. Ewan ko ba pero di ko talaga siya bet lapitan. As in. Sorry kung judgmental ako pero nakakatakot naman kasi talaga siya. I mean di ko pa naman siya nakakausap pero mukha siyang siga. And mind you, mukha talaga siyang fuckboy ayon na rin sa sabi-sabi. Wala akong oras para makisawsaw sa buhay niya. Gusto ko lang makagraduate sa Senior High. Tapos pupush ko na talaga yung pangarap ko na mag-aral sa Manila. Educ ang balak kong kunin. Gusto ko talagang magturo.

Tahimik kong binaba yung gamit ko. Iniiwasan kong tingnan yung mga kalalakihan.

"Hi Ji!"

Bati ni Ylmer. Yung nakaupo sa next row. Palangiti siya. Katabi niya si Zed, yung lalaking may abs na palaging nanghihingi ng kanin samin ni Alys. Solid nga non e. Di nahihiyang mamburaot. Matakaw pero may abs. Galing, di tumataba. Minsan tanungin ko nga yan kung anong sikreto niya, nakakainggit kasi!

Tinanguan ko lang siya. Hindi talaga ako madaldal sa kanila. Kay Telic lang ako close since katabi ko siya.

Umayos na ako ng upo ko. At saka nakichismis kay Telic.

"Anong meron?"

Tanong ko kay Alys.

Sinenyasan niya si Telic na magsalita.

"Olats eh. Mabagal magreply. Hindi yata ako gusto kausap. Nagpuyat pa naman ako."

Malungkot niyang sabi.

Nagpangalumbaba naman si Alys.

"Tiyagain mo lang, alam mo na, baka busy? Saka sa personal mo kasi i-approach. Awkward kasi pag sa chat mo pinopormahan."

Sagot ko.

"Kaya nga, kaso mukhang walang pag-asa. Nakita ko nga nagrereply siya sa comment nung Rigel pero hindi siniseen yung chat ko."

"Sakit naman nun bro!"

Singit ni Jeremy na katabi ni Telic. May paghawak pa siya sa dibdib niya. Nang-asar pa e hahahhahahha!
Siniko tuloy siya ni Telic.

"Hard 'tong comment ko pero gusto ko lang magpakatotoo. I think, hindi ka kasi type ni Luna. You know. Saka loyal yun sa crush niya. Paano mo lalabanan yung five years na niyang crush? Hindi ganun kadali yon.."

Parehas kaming napatango sa sinabi ni Alys. Sasagot pa sana si Telic pero dumating na yung Prof namin sa Arts kaya nanahimik na kami.

Terror kasi 'tong si Sir Allan. Namamahiya pa. Kaya naman mas lalo siyang pinagtatawanan kapag sumisigaw. Alam mo yun, magagalit sa napakaliit na bagay. Parang tanga talaga. Kaya nga kapag nakalabas na siya ng room, gagayahin siya ng mga lalaki, tapos saka malakas na tawanan ang kasunod.

May report ngayon tungkol sa History ng Pilipinas at ang mga artifacts na gawa ng mga sinaunang Pilipino kagaya ng Manunggul Jar.

Super excited ako since favorite ko talaga ang History! Tumayo na yung mga reporter. I was writing the date above my notes nang may mangalabit sa akin. Dahan-dahan lang pero hindi ko alam kung bakit bumilis yung tibok ng puso ko. Simpleng kalabit lang pero parang kinuryente ang buong sistema ko at nabuhay ang dugo ko.

Nilingon ko yun at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Shit. Bakit ang ganda ng mata niya? Napakatangos ng ilong niya at bakit napakanipis ng mapupula niyang labi? What the fuck Ji???! Bakit ko ba pinagmamasdan yung mukha niya??!

Halos tatlong buwan na pero ngayon ko lang nasipat yung maganda niyang mukha. Ang gwapo niya pala talaga. Hindi rin nakatakas sa akin yung bangas sa kaliwa niyang labi. Sinong gago ang nagtangkang sirain yung mukha niya? Bigo siya kasi mas lalo lang lumakas sex appeal ng lalaking 'to dahil don.

Leche. Masyado akong nahipnotismo sa mukha niya kaya hindi ko namalayang nasa harap ko na si Sir. At nakapamewang pa siya.

Jusko, kamatayan ko na ba? Ako na ba ang susunod na ipapahiya?

"Ilang beses ko bang sasabihin na ayokong may nag-uusap kapag andito na ako?!"

Galit niyang sigaw. Napayuko ako sa gulat.

"Sorry Sir. Manghihingi po sana ako ng yellow paper. Naubusan po kasi ako."

Paliwanag ni Oliver. Lihim na nagtawanan yung mga lalaki sa likuran. Wala siyang maloloko. Alam ng lahat na never siyang nagdala ng papel. Ang liit kaya ng bag niya. Baka nga puro condom lang laman nun e!

Jusko yung bunganga ko, magkakasala ako sa lalaking ito!

Agad-agad akong pumilas ng dalawang papel saka ko inabot sa kanya. Dinalawa ko na para may extra paper siya pag nagkamali. Ayokong kalabitin niya ulit ako.

"Salamat."

Sabi niya sabay balik sa upuan.

Inirapan lang ako ni Sir saka siya nagsabi sa reporter na magsimula na.

Ramdam ko pa din yung panginginig ng tuhod ko. Bwisit. Buti na lang nakaupo ako, kasi kung nakatayo lang ako baka natumba na ako. Ano bang meron sa lalaking yun at ganto ang epekto niya sakin???

"Jusko Ji, bet mo? Lakad kita gusto mo?"

Mahinang sabi ni Telic habang nakangiti ng malapad.

"Gago."

Sagot ko.

Nararamdaman ko pa rin na nakatingin sakin yung mga kaklase namin, lalo na yung mata ni Jolie.

"Hindi mo ba narinig? Nakailang sabi siya na pahingi ng papel pero ikaw nakatitig lang."

Bulong naman ni Alys na nagsisimula ng magsulat.

Napahigpit yung hawak ko sa ballpen.
This can't be. Hindi pwede.

Nung uwian na, sabay-sabay kami nila Renz, Jolie at Luna since same way kami. Si Aly, Dane at Pia naman ang magkakasabay.

Nang makasakay na kami nag-online ako and my heart beats faster when I saw his name on my notification.

Oliver Amante added you as a friend.

Kinakabahan kong pinindot yung Confirm button. Hindi naman siguro masama na isama ko siya sa friendlist ko, right? Saka wala naman akong balak na i-----

Wala pang ilang segundo, nag-pop out yung mukha niya sa messenger ko!!!

Hi, anong assignment?

And I swear to God, hindi ko alam bakit hindi ko magawang pakalmahin yung puso ko!

TO BE CONTINUED

Coffee and Tears (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon