The fuck, he's really kissing me!
I almost forgot how to breathe!
It's.. it's my first kiss..
Ganito pala yung feeling.
Para kang lumulutang sa ulap.
Nakakabaliw. Nakakasira ng bait.Kahit na ayokong gawin, humiwalay pa rin ako sa kanya, tumigil ako sa paghalik sa kanya.
Sumandal ako sa kanya na hinihingal din kagaya ko. I held his arms.
Humigpit din yung hawak niya sa braso ko habang yung isa niyang kamay ay humahaplos sa likod ko.
Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Para akong kinukuryente at nanghihina din ang tuhod ko.
This man, siya lang ang nakakagawa nito sa akin!
"Bakit ka tumigil?"
I could feel the agony in his voice.
Tiningnan ko siya.
"Gago ka ba? Hindi pwedeng huminga?"
Kumunot yung noo niya na para bang naguguluhan sa sinabi ko.
This jerk! Hindi naman ako sanay sa halikan! Siya kaya yung una ko!
At kahit nahihiya akong aminin, sinabi ko pa din yung rason ko.
"Nakakahingal kaya. Hindi ko kayang makipagsabayan sa 'yo."
Shit! Ramdam kong namumula na yung mukha ko sa kahihiyan!
Tumawa siya ng mahina.
"Wag mo nga akong tawanan, nakakahiya kaya."
Suway ko.
Mas lumapad lang yung ngiti niya.
Itinaas niya yung baba ko saka ako tinitigan na para bang gusto niyang halukayin yung buong pagkatao ko.Hahalikan niya ba ulit ako?
Ipipikit ko na sana yung mga mata ko nang magsalita siya.
"I know that it is your first kiss. At gusto kong ako ang una mo sa lahat. Ganun kita kagusto Ji. Unang beses pa lang kitang tiningnan, alam ko ng magiging mahalaga ka sa'kin. Ang weird diba? But that's it," halos tumaas lahat ng balahibo ko sa mga naririnig ko galing sa kanya. Hindi ko lang kasi inaasahan, it's far from what I expected. "I don't wanna see you crying. Alam kong hindi maganda yung simula natin. Pero gusto kong ayusin yun. Gusto ko ng seryoso. Mahal na nga ata kita e. Oh kung hindi man, papunta na doon."
The fuck. Mas maganda 'tong confession niya ngayon compared nung una. Mas sincere, mas tagos, mas nakakagambala, mas nakakabaliw.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapag-isip ng tamang sagot! Kailan pa ako natanga sa mga gantong usapan?!
"Ang gulo."
Mahina kong sabi pero narinig niya pa din ng maayos.
"Magulo ba ako?"
He asked.
I heaved a deep sigh.
"Hindi ba't parang ang bilis? Kakabreak ko pa lang sa boyfriend ko kanina lang. Ikaw din kakahiwalay mo pa lang sa girlfriend mo," tinitigan ko siya ng madiin para makuha niya yung ibig kong sabihin, "b-baka kasi masira tayo kapag minadali natin."
Kitang-kita ko kung paano umangat-baba yung adam's apple niya. I hate it. Naiinis ako kung paano ko mapansin kahit maliit na detayle ng mukha niya o maliit na paggalaw niya. Ganun ako ka-focus sa kanya. Ganun ako kabaliw sa kanya.
"But I also like you."
Inuutusan ako ng sistema ko na pakawalan ang mga salitang yan. It's necessity, not just because I want to say it, but because he needed to hear that from me.
BINABASA MO ANG
Coffee and Tears (ON-GOING)
Storie d'amoreWe were such a mess when we parted ways but wasn't it the best? #thewattys2019